Most Holy Redeemer Parish, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 15,489 total views

Umapela ng tulong ang Most Holy Redeemer Parish, Masambong, Quezon City para sa mga biktimang apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina at hanging Habagat. Ayon kay Parish Priest Administrator, Fr. Edwin Peter Dionisio, OFM, umabot na sa halos five feet o limang talampakan ang lalim ng baha sa loob ng simbahan kung saan ilang mga kagamitan ang napinsala at nalubog sa tubig.

Bukod dito, nalubog din sa pitong talampakang lalim ng baha ang ilang mga tahanan dahil sa pag-apaw ng San Juan River.

Halos ang buong Masambong ay lubog ng tubig. Pati ‘yung Barangay San Antonio, ‘yung bahagi rin ng San Pedro Bautista, Barangay Talayan, at yung dinadaanan ng San Juan River, lahat ay apektado,” ayon kay Fr. Dionisio sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Dionisio, alas-7:30 ng umaga nang magsimulang pumasok sa loob ng simbahan ang baha, kung saan ilan sa mga isinalba ng pari ay ang Santisimo Sakramento at mga dokumento ng parokya.

Gayunman, marami pa ring gamit ang hindi naisalba at isang retablo rin ang napinsala dahil sa epekto ng pagbaha.

Nananawagan naman ng tulong at panalangin si Fr. Dionisio para sa mga pamilya at indibidwal na direktang naapektuhan ng kalamidad

Patuloy pa rin po tayong magdasal na sana ay humupa na itong masungit na panahon. Gayundin ay nais ko pong manawagan na kung maaari, ‘yun pong mga hindi naapektuhan ay magpadala ng tulong doon sa mga taong nangangailangan,” apela ni Fr. Edwin.

Ipinag-utos na ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga parokyang saklaw mg Diyosesis ng Cubao na buksan ang mga simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lubhang apektado ng kalamidad. Batay sa huling ulat ng Quezon City Government, umabot na sa halos 8,600 pamilya o 26-libong indibidwal ang nagsilikas sa higit 150 evacuation centers sa lungsod. Isinailalim na rin sa state of calamity ang buong Quezon City para magamit ang quick response fund upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa huling ulat naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Adminsitration (PAGASA), itinaas na sa Super Typhoon category ang Bagyong Carina.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 34,455 total views

 34,455 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 51,860 total views

 51,860 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 66,508 total views

 66,508 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 79,755 total views

 79,755 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 91,660 total views

 91,660 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »
Scroll to Top