Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nakalulungkot at nakakahiya ang pagbuwis ng buhay sa hazing

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Muling kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines(CBCP) ang mga fraternities na patuloy na nagsasagawa ng hazing.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Mission Chairman at Sorsogon Bishop Arturo Bastes, hindi makatao ang hazing initiation para sa mga nagnanais sumali sa isang kapatiran.

Sinabi ng Obispo na ang sinumang estudyante na magsasagawa nito ay nararapat na mapatalsik sa paaralang kanyang pinapasukan.

“It is a shame that hazing is still being done by fraternity of students in a Catholic University. It is absolutely senseless, cruel and inhuman and unchristian! Students who engage in this nonsensical practice must be expelled from school,” pagbibigay-diin ni Bishop Bastes.

Ikinalungkot naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pagkamatay ng law student at miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Horacio Tomas Castillo III na sinasabing biktima ng labis na pagpapahirap.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Obispo na tuldukan na ang kultura ng hazing sa bansa na tanging karahasan at kamatayan lamang ang naidudulot at umaasa na matatamo ng pamilya Castillo ang karampatang hustisya.

“It is sad and shameful that a life was wasted just because hazing. Anything and anyone that promotes violence to one another and inflicts physical harms should be avoided, condemned and prosecuted. Hazing is just pain and agony which leads to disability or death. Justice must be served,” giit ni Bishop Santos.

Sumuko na sa awtoridad si John Paul Solana, ang pangunahing suspek sa pagkamatay ni Castillo. Sa kabila ng pagsasabatas ng Anti-Hazing Law noong 1995, sa tala ay umabot na sa 35 ang bilang mga nasawi dahil sa hazing.

Sa halip na dahas, una nang nanawagan si CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na pairalin sa bawat fraternities ang pagmamahal bilang magkakapatid tulad ng ipinaramdam ni Hesus sa kanyang mga desipulo.

Read: Fraternity hazing, tuluyan ng ipagbawal

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,439 total views

 34,439 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,569 total views

 45,569 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,930 total views

 70,930 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,314 total views

 81,314 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,165 total views

 102,165 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,960 total views

 5,960 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,725 total views

 60,725 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,540 total views

 86,540 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,692 total views

 127,692 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top