Grasya ng Diyos, nagpapatibay sa Caritas Manila.

SHARE THE TRUTH

 332 total views

Ito ang binigyang-diin ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila sa pagdiriwang ng 64th Founding Anniversary ng organisasyon sa Cuneta Astrodome.

Sa kabila ng iba’t ibang krisis na umiiral sa lipunan, inihayag ni Fr. Pascual ang papel na ginagampanan ng Caritas Manila na pangunahing naghihikayat sa mga tao na maging bukas palad at umagapay sa kapwa na nangangailangan.

“Napakahalaga nang ginagampanan ng Caritas Manila sapagkat ang tugon nga sa matinding kahirapan, karahasan, pag-init ng mundo at kawalan sa ating lipunan, ay pag-ibig ‘yan. Pag-ibig na hindi salita lang kundi pag-ibig na nakikitang makapangyarihan sa gawa at walang iba kundi ang Caritas,” ani Fr. Pascual.

Naniniwala rin ang pari na ginawang instrumento ng Panginoon ang organisasyon upang madama ng mahihirap na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng simbahan at maging direktang tugon sa espiritwal at materyal na pangangailan ng tao.

Samanatala inihayag ni Fr. Pascual na patuloy ang ginagawang preparasyon ng Caritas Manila upang makapagbigay ng mas malawak na serbisyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular na sa isla ng Mindanao kung saan matatagpuan ang mayorya ng mga mahihirap.

“Tayo ay naghahanda sa 2021, 500 years of Christianity sa Pilipinas nais nating itaas pa ang lebel ng paglilingkod ng Caritas Manila upang mas marami pang mahihirap na matulungan tayo lalung lalo na sa Visayas at Mindanao,” pahayag ni Fr. Pascual.

Sa ilalim ng temang “One Heart and One Mind as Church of the Poor towards 2021”, dinaluhan ang selebrasyon ng libu-libong volunteers mula sa labintatlong bikarya sa Archdiocese of Manila, YSLEP scholars at kinatawan ng Caritas Manila.

Itinatag noong 1953 ni Rufino Cardinal Santos, ang Caritas Manila ay patuloy na nagbibigay ng programa sa mga mahihirap na pamilya, nasalanta ng kalamidad at nagbibigay ng scholarship program para sa mga kabataang walang kakayahang magkapag-aral.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,126 total views

 2,126 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,936 total views

 39,936 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,150 total views

 82,150 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,685 total views

 97,685 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,809 total views

 110,809 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,249 total views

 14,249 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 53,133 total views

 53,133 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 78,948 total views

 78,948 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 121,192 total views

 121,192 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top