VeritasPH

The Word, The Truth

 169 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang ‘di pangkaraniwang Urbi et Orbi noong 2020, inilarawan ni Pope Francis ang pandemya bilang isang bagyong inilantad sa ating hindi tayo nabubuhay para lamang sa ating mga sarili. Natagpuan natin ang ating mga sariling marupok at naliligaw. Napagtanto nating kailangan natin ang tulong at pagkalinga ng isa’t isa. Sa bagyong ito, lahat daw tayo ay nasa iisang bangka.

Magdadalawang taon na ang pandemya at ngayon nga ay nasa panibago na naman tayong wave o muling pagtaas ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa Covid-19. Pinangangambahan din ang pagkalat ng bago at mas mabilis makahawang variant na Omicron, at nasa alert level 3 ang maraming lugar katulad ng Metro Manila. Hindi pa rin tapos ang bagyong dala ng pandemya. Malalakas na alon ng pangamba at daluyong ng takot ang hatid nito sa atin, ngunit dito sa ating bayan, mukhang wala tayo sa iisang bangka.

Nasa ilalim tayo ng isang bagyo ngunit nakasakay tayo sa iba’t ibang sasakyang pandagat. May mga nasa malalaking barko at marangyang yate kung saan maginhawa silang nakapamumuhay. May mga nasa maliliit na bangka o kaya naman ay mga balsa at pilit na kumakapit para sa kanilang buhay at kaligtasan. Sa madaling salita, pinalutang din ng pandemya ang malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan, lalo na rito sa Pilipinas.

Makikita natin ito sa kontrobersyang kinasangkutan ng isang kababayan nating sinuhulan ang mga kawani ng isang quarantine hotel upang hindi na niya kailangang tapusin ang kanyang isolation period mula nang dumating galing sa ibang bansa. Napag-alaman ding ginawa niya ito upang maki-party kasama ang kanyang mga kaibigan sa dalawang restawran sa Makati. Kalaunan, nagpositibo siya sa Covid-19 at nakahawa ng iba pa. Due process ang ibinigay ng pamahalaan sa kanya. Nangalap sila ng ebidensya at kinasuhan ang mga sangkot sa paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Hindi ito ang kaso sa mga kababayan nating hinuli at ikinulong agad ng mga awtoridad dahil sa din sa quarantine violations katulad ng paglabas ng bahay habang may lockdown o hindi pagsusuot ng face mask at face shield sa labas. Sa mga unang buwan ng pandemya noong 2020, mahigit 2,000 katao ang ibinilanggo sa mga siksikang kulungan. May ilan pa nga sa kanilang doon pa nahawa ng virus. Maaari namang magpiyansa ang mga nahuli pero saan naman sila kukuha ng pampiyansa gayong wala silang mapagkukunan noon ng kabuhayan? Natatandaan din ba ninyo ang nangyari sa mga pobreng tsuper na sumali sa isang kilos-protesta at agad na pinaghuhuli at ikinulong dahil daw sa paglabag sa utos ng pamahalaang manatili sa bahay? May isa ring tindero ng isda ang hinuli dahil sa lumabas siya upang maghanapbuhay. Nanatili siya sa kulungan nang labindalawang araw dahil bigo siyang makapaglagak agad ng piyansa.

Mahigpit at malupit ang ating pamahalaan sa mga karaniwang Pilipino para sa mga simpleng paglabag, habang ang mga maykaya at maimpluwensyang lumalabag din sa quarantine—katulad ng isang senador na lumabas ng bahay kahit pa positibo at isang hepe ng pulis na nag-birthday party kahit na ipinagbabawal noon ang mass gathering—ay nakakatakas sa kanilang pananagutan o kaya naman ay nabibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili. Tunay ngang bagamat nasa iisang bagyo tayo, iba-iba ang mga bangkang ating kinalalagyan.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Levitico 19:15, “Humatol kayo batay sa katuwiran.” At ang hinihingi ng katuwiran ay ang pagiging patas sa lahat ng pagkakataon. Sa huli, huwag lang natin ibunton ang ating pagkadismaya sa mga taong lumalabag sa mga patakaran. Tutukan din natin ang mga naatasang magtiyak na patas na naipatutupad ang batas.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,368 total views

 3,368 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,353 total views

 11,353 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 18,889 total views

 18,889 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 34,875 total views

 34,875 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 42,919 total views

 42,919 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 3,369 total views

 3,369 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 11,354 total views

 11,354 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 18,890 total views

 18,890 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 34,876 total views

 34,876 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 42,920 total views

 42,920 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,366 total views

 45,366 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,791 total views

 43,791 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,577 total views

 45,577 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,502 total views

 42,502 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,816 total views

 56,816 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,506 total views

 60,506 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,109 total views

 59,109 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,096 total views

 69,096 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,064 total views

 73,064 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,951 total views

 83,951 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top