Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nawawalang espiritwalidad dahil sa addiction, ibabalik ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Ipinaalala ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang anumang klase ng addiction ay may kaugnayan sa esperitwalidad ng tao.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang malaking dahilan ng Simbahan kung kaya’t binuo ang Sanlakbay program para sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug dependents kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ipinaliwanag ng Kardinal na bahagi ng programa ng Simbahan ang restorative justice na hindi lamang ang nagkamali ang mapigilan kundi ang pangkabuuang kasamaan.

“Tradisyon ng simbahan yan ang ating restorative justice ministry ay para matulungan hindi lamang ang nagkamali kundi ang sambayanan na mapigilan na ang pagkalat ng kasamaan, at to discouraged ang patuloy na pagkalat ng kasamaan. Subalit ito ay ginagawa sa pamamagitan ng restoration of justice. At kapag ang katarungan ay naipanumbalik umuuwi ito sa healing not to destruction. Kaya restorative, buuin muli ang nagkasala katulad noong publikano sa ebanghelyo, buuin muli ang pamilya at ang lipunan thru justice, thru humility and by giving the repentant sinner hope, yan po ay tulong-tulong na ginagawa,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Pahayag pa ng Kardinal, ang pagkakalulong sa masamang bisyo ay itinuturing na spiritual concern ng simbahan dahil nababago na nito ang kinikilalang diyos ng isang tao.

“Sabi nga po ang pagkalulong sa bisyo lalu na kung ito ay tungkol sa mga pinagbabawal na droga na bagamat ito ay talagang criminal act para po sa mata ng simbahan ito rin ang isang spiritual concern. Kapag ang isang tao ay nalulong sa addiction at ang addiction po ay hindi lamang sa droga, yung iba addicted sa sugal, yung iba addicted sa pornography,yung iba addicted sa sex, yung iba addicted sa cellphone, yung iba addicted na sa telenovela parang mamamatay kapag hindi nakapanuod. Yung iba addicted na sa pambobola, yung iba addicted na sa panloloko ng kapwa, yung iba addicted na sa pagsisinungaling, yung iba addicted na sa panloloko, napakaraming addiction. At panong nangyayari ang addiction? Kapag napamayanihan na ng isang kadiliman ang puso at yung kadiliman na yun ay nagiging Panginoon,” paglilinaw ng Kardinal.

Tulad ng drug addiction, nilinaw ng Kardinal na hindi dapat husgahan ang mga nalulong sa addiction kundi tulungan na makablik sa diyos at sa komunidad.

Iginiit ni Cardinal Tagle na isinisulong ng Sanlakbay program ang pagkakaroon ng healing at justice hindi paghihigante.

“Mula sa simbahan itong spiritual warfare within the heart of an addicted person at yung relational dimension sa family, sa community. Sa pagtutulungan po nating lahat harinawa ay makatulong upang ang nagkamali ay ma-restore, maging matuwid sa mata ng Diyos at ng lipunan at ang pamilyang mga nasugatan naging biktima ay maghilom din dahil may tunay na katarungan. We seek healing, justice not revenge, only justice heals, revenge wounds all the more,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala mula sa datus ng Philippine National Police o PNP, mahigit sa 700 libo ang sumuko sa otoridad na nalulong sa illegal na droga at mahigit 3 libo na ang napatay sa drug buy bust operation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 10,203 total views

 10,203 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 40,284 total views

 40,284 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 54,343 total views

 54,343 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 72,840 total views

 72,840 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 27,762 total views

 27,762 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 5,336 total views

 5,336 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 43,759 total views

 43,759 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 27,682 total views

 27,682 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 27,662 total views

 27,662 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 27,662 total views

 27,662 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
1234567