Onward home sa mga street dwellers,inilunsad ng Vincentian foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,227 total reads

Inilunsad ng Vincentian Foundation programang pabahay para maging pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.

Ayon kay the Vincentian Missionaries Social Development Foundation Executive Director Fr. Geowen Porcincula, CM ito ang tugon ng kongregasyon upang matulungan ang mga street dwellers na magkaroon ng maayos at ligtas na maisilungan lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Sinabi ng pari na ang Onward Home ay isa lamang sa ilang housing-based programs sa Metro Manila para sa mga street dwelling families na makatutulong sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga walang tahanan sa National Capital Region na tinatayang nasa tatlong milyon habang nasa 250-libo hanggang isang milyong mga bata ang natutulog sa kalye.

“Extreme weather events make life precarious, but even more so for those living in poorly constructed dwellings. Flooding, typhoons, and heavy rains can cause these shelters to collapse, leading to loss of life and families with nowhere to go,” ayon kay Fr. Porcincula.

Nangangamba ang pari sa kalagayan ng mga nasa lansangan sa panahon ng sakuna na walang maayos na matutuluyan tulad ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay, kariton, at lalo na sa gilid ng mga pangunahing lansangan na lubhang lantad sa panganib.

“Once on the street, they are exposed to multiple risks, including violence and exploitation. Children are particularly susceptible to abuse,” dagdga ng pari.

Naniniwala si Fr. Porcincula na mahalaga ang mga kanlungan upang maiwasan ang usapin ng mental health crises, exploitation, at human trafficking gayundin ang kawalang access sa wastong edukasyon na isang daan upang magkaroon ng trabaho at unti-unting makaahon sa kahirapan.

Katuwang ng Vincentian Foundation sa Onward Home ang Depaul International at Vincentian Family Philippines kung saan sa loob ng 12 buwan ay sasailalim ang mga pamilya sa iba’t ibang formation program katuwang ang mga eksperto tulad ng social workers upang ganap na maging handa sa permanent housing at maturuan ang mga magulang na magkaroon ng kabuhayan sa pamamagitan ng Vincentian Foundation’s Social Enterprise Development Center.
”
A home is not just a shelter, but a place of dignity, stability, and new beginnings. As the first families move in today, it is the first step on their journey toward a permanent home. Over the next 12 months, we will prioritize their mental health, psycho-emotional well-being, and economic stability to ensure a successful transition,” giit ni Fr. Porcincula.

Tiniyak ng pari na ang mga bahay ng Onward Home na matatagpuan sa Vincentian Foundation Kawayan Housing site sa Bagong Silangan, Quezon City ay matibay at gawa sa Cement-Bamboo Frame Technology (CBFT) na nilikha ng Base Bahay Foundation na nakadisenyo laban sa anumang banta ng sakuna tulad ng bagyo, malalakas na hangin, at lindol.

Pinangunahan ni Fr. Porcincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa bago ang isinagawang turnover sa ilang pamilya na mauunang sasailalim sa programa ng Onward Home.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 53,316 total reads

 53,316 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 99,967 total reads

 99,967 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 201,234 total reads

 201,234 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 271,421 total reads

 271,421 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 354,798 total reads

 354,798 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top