Simbahan, dismayado sa kawalang respeto ng tao sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 844 total reads

Dismayado ang CBCP – Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church sa iniwang tone – toneladang basura ng mga kapatid nating bumisita sa mga kaanak na yumao sa mga sementeryo.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng komisyon, kabalintunaan na dumadalaw tayo sa puntod ng ating mga mahal na yumao upang magbigay respeto ngunit nawawalan naman tayo ng paggalang sa kapaligiran.

Kaya’t muling pinaalalahanan ng Obispo ang mga mananampalataya na kung tunay nating ibinibigay ang paggalang sa ating mga yumao sa kanilang himlayan ay matuto tayo at maging responsable sa pagtatapon ng ating basura sa loob ng sementeryo.

“Talagang disappointed ako sa maraming kapatid natin na Katoliko yung kawalan ng respeto. Kasi I find it very ironic yun bang you go to the cemetery to pay your respect yung sinasabi natin sa Ingles. You pay your respect but you don’t respect the environment. Nakikita mo na pagkatapos ng Undas ay gabundok o tone – tonelada ang mga basura na iniiwan, para sa akin very disappointing yun. Kaya uulit – ulitin ko kung tunay tayong may paggalang sa mga yumao, sana maging responsable talaga tayo na yung ating basura ma – manage naman natin,” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi ni Bishop David na nakakahiya na ibang relihiyon pa ang nagpapakita ng respeto at paggalang sa ating mga yumao tulad ng isang Buddhist group mula Tzu Chi Foundation na tumulong makapangalap ng basura sa mga sementeryo at nagpanatili ng kalinisan.

“Natutuwa ako na marami tayong volunteers, in fact some of our volunteers hindi man sila Katoliko, mga members ng Tzu Chi Foundation, bhuddist yun pero nag – volunteer sa ating mga sementeryo na maglinis. Hindi ba dapat mahiya tayo dun mga taga – ibang relihiyon pa ang tutulong sa atin na hindi man sila papasok ng sementeryo para lumapastangan o igalang ang ating mga yumao pero yun nga sila pa yung nagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating mga puntod ng mga yumao,” giit pa ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Nabatid na ngayong taon ay wala pa ring pagbabago, dahil umabot sa 168 na truck ang dami ng basurang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na tinatayang nasa 1,008 tonelada, mula sa 23 na mga sementeryo sa kasagsagan ng pag-gunita ng Undas.

Ayon pa kay MMDA Metro Parkway Clearing Group head Francis Martinez, lampas kalahati ito sa nahakot nila mula sa 26 sementeryo noong nakaraang taon na umabot sa 302 trucks ang dami.

Nakasaad naman sa Laudato Si ng kanyang Kabanalan Francisco na ang basura na siyang sumisira sa mundo dahil sa kapabayaan at hindi responsableng pagtatapon nito sa tamang kalalagyan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 17,250 total reads

 17,250 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 17,523 total reads

 17,523 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 38,519 total reads

 38,519 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 160,116 total reads

 160,116 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 210,478 total reads

 210,478 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 337,536 total reads

 337,536 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 421,052 total reads

 421,052 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 363,847 total reads

 363,847 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 469,934 total reads

 469,934 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top