Nawawalang espiritwalidad dahil sa addiction, ibabalik ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Ipinaalala ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang anumang klase ng addiction ay may kaugnayan sa esperitwalidad ng tao.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang malaking dahilan ng Simbahan kung kaya’t binuo ang Sanlakbay program para sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug dependents kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ipinaliwanag ng Kardinal na bahagi ng programa ng Simbahan ang restorative justice na hindi lamang ang nagkamali ang mapigilan kundi ang pangkabuuang kasamaan.

“Tradisyon ng simbahan yan ang ating restorative justice ministry ay para matulungan hindi lamang ang nagkamali kundi ang sambayanan na mapigilan na ang pagkalat ng kasamaan, at to discouraged ang patuloy na pagkalat ng kasamaan. Subalit ito ay ginagawa sa pamamagitan ng restoration of justice. At kapag ang katarungan ay naipanumbalik umuuwi ito sa healing not to destruction. Kaya restorative, buuin muli ang nagkasala katulad noong publikano sa ebanghelyo, buuin muli ang pamilya at ang lipunan thru justice, thru humility and by giving the repentant sinner hope, yan po ay tulong-tulong na ginagawa,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Pahayag pa ng Kardinal, ang pagkakalulong sa masamang bisyo ay itinuturing na spiritual concern ng simbahan dahil nababago na nito ang kinikilalang diyos ng isang tao.

“Sabi nga po ang pagkalulong sa bisyo lalu na kung ito ay tungkol sa mga pinagbabawal na droga na bagamat ito ay talagang criminal act para po sa mata ng simbahan ito rin ang isang spiritual concern. Kapag ang isang tao ay nalulong sa addiction at ang addiction po ay hindi lamang sa droga, yung iba addicted sa sugal, yung iba addicted sa pornography,yung iba addicted sa sex, yung iba addicted sa cellphone, yung iba addicted na sa telenovela parang mamamatay kapag hindi nakapanuod. Yung iba addicted na sa pambobola, yung iba addicted na sa panloloko ng kapwa, yung iba addicted na sa pagsisinungaling, yung iba addicted na sa panloloko, napakaraming addiction. At panong nangyayari ang addiction? Kapag napamayanihan na ng isang kadiliman ang puso at yung kadiliman na yun ay nagiging Panginoon,” paglilinaw ng Kardinal.

Tulad ng drug addiction, nilinaw ng Kardinal na hindi dapat husgahan ang mga nalulong sa addiction kundi tulungan na makablik sa diyos at sa komunidad.

Iginiit ni Cardinal Tagle na isinisulong ng Sanlakbay program ang pagkakaroon ng healing at justice hindi paghihigante.

“Mula sa simbahan itong spiritual warfare within the heart of an addicted person at yung relational dimension sa family, sa community. Sa pagtutulungan po nating lahat harinawa ay makatulong upang ang nagkamali ay ma-restore, maging matuwid sa mata ng Diyos at ng lipunan at ang pamilyang mga nasugatan naging biktima ay maghilom din dahil may tunay na katarungan. We seek healing, justice not revenge, only justice heals, revenge wounds all the more,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala mula sa datus ng Philippine National Police o PNP, mahigit sa 700 libo ang sumuko sa otoridad na nalulong sa illegal na droga at mahigit 3 libo na ang napatay sa drug buy bust operation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 100,906 total reads

 100,906 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 132,635 total reads

 132,635 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 234,460 total reads

 234,460 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 275,020 total reads

 275,020 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 291,180 total reads

 291,180 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 93,289 total reads

 93,289 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 70,824 total reads

 70,824 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 109,287 total reads

 109,287 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top