Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NNARA-YOUTH, nagbabala sa epekto ng GMO

SHARE THE TRUTH

 1,854 total views

Nilinaw ng National Network of Agrarian Reform Advocates – Youth (NNARA-YOUTH) na hindi tutol ang mga agricultural at progressive group sa pag-unlad gamit ang mga agham at Genetically Modified Organism (GMO).

Sa halip, inihayag ni Melo Cabello – National Spokesperson ng NNARA-Youth na mariin nilang tinututulan ang malawakang pagpapahintulot sa mga banyagang kompanya na pumasok sa Pilipinas upang isagawa ang mga programang nagsusulong ng GMO.

Ayon kay Cabello, dahil sa kapitalismo ay naisasawalang bahala ang kapakanan, kabuhayan at kalusugan ng mga manggagawa sa lokal na sektor ng agrikultura.

“Ang mga GMO ay para lamang mas kumapal yung bulsa ng mga dayuhang kapitalista. Kaya kami tutol dito kasi hindi ito ang solusyon sa mga problema na nais solusyunan kuno ng GMO, marami tayong mga alternatibong pamamaraan ng pagsasaka katulad ng agro-ecology, organic agriculture kung saan ang soberenidad sa pagsasaka sa binhi, sa farm inputs at maging sa lupa ay nasa ating mga magsasaka at hindi sa mga dayuhang kapitalista,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cabello.

Inihayag ni Cabello na bukod sa hindi paniniil sa kabuhayan ng mga magsasaka ay kulang ang pag-aaral ng mga malalaking kompanya at pamahalaan sa mga epekto ng GMO sa kalusugan ng parehong mga consumers at producers.

“Dahil nga highly dependent sa kemikal ang farm inputs ng mga GMO crops, marami sa ating mga magsasaka ang nagde-develop ng mga sakit tulad ng lung cancer na epekto ng paggamit ng mga pestisidyo na gaya nga ng sabi ko monopolisado ng mga dayuhan kapitalista,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritias kay Cabello.

Kaugnay ng patuloy na pagtutol sa mga GMO Products, una ng nanindigan ang Archdiocese of Manila (RCAM) Ministry on Ecology laban sa pagsusulong ng Golden Rice.

Ito ay dahil natuklasan sa pag-aaral ng International Rice Research Institute (IRRI) na lubhang napakababa ng mga bitaminang nakapaloob sa bagong uri ng bigas kumpara sa pangkaraniwang bigas na pangunahing kinokunsumo ng mga Pilipino.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 22,254 total views

 22,254 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 33,971 total views

 33,971 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 54,804 total views

 54,804 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 71,377 total views

 71,377 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 80,611 total views

 80,611 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top