12,642 total views
Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na tayong bilang.
Numero, nasa kanila ang numero… ito ang ipinagyayabang ng na-elect na Senador Bato dela Rosa. They have the numbers, Kapanalig… Hindi pa nagsisimula ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte sa Senado, acquitted na agad ito sa kasong “betrayal of public trust at graft and corruption o pandarambong”.
Hindi pa nagsisimula, kahit na matibay, kahit na kabundok ang ebidensiya, kahit malinaw na nagkasala si VP Duterte, walang pakialam dito ang ating mga inihalal na Senador. Para sa kanila, para sa ambisyong political, para sa kanilang pansariling interes, para sa kanilang loyalty…walang pagkakamali, hindi corrupt, walang bahid, malinis at walang paglabag sa konstitusyon si VP Duterte..
Huwag naman tayong manindigan sa mali Kapanalig, huwag naman sanang maging Kangaroo court ang paglilitis., manaig dapat ang katotohanan sa impeachment trial
Kapanalig, anong klaseng mambabatas ang ibinoto natin? Hindi ba sa 1987 constitution, nakasaad sa Section 1, The Philippines is a Democratic and Republican state. Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them. Nasa ating mamamayang Pilipino ang kapangyarihan, Anong gagawin natin sa isang katulad ni Dela Rosa na ang loyalty ay naka-angkla lamang sa isang tao hindi sa ating mga Pilipino? Hindi ba natin kayang ituwid ang baluktot na pananaw ng Senador at mga kaalyado nito sa Senado?Kapanalig, sana ang ating pagkakamali sa katatapos na midterm elections ay ituwid natin sa impeachment trial ni VP Sara, bantayan natin ang proseso, ituwid ang mga pagtatangkang ilihis ang katotohanan.
Sa ating mga Pilipino na tuwid ang tiwala sa hustisya, inaasahan natin na isantabi naman ng mga Senador ang pagiging ganid, ituon nila ang sarili sa kapakanan ng bayan, pahalagahan kung ano ang ikakabuti ng bayan at ipahayag sa mamamayang Pilipino ang buong katotohanan at hindi ipagtatanggol ang kamaliang nagawa.
Kapanalig, sa darating na ika-2 ng Hunyo 2025, babasahin sa plenaryo ng Senado sa opisyal na pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ang articles of impeachment laban kay VP Sara kung saan nahaharap din ito sa kasong bribery, acts of destabilization, conspiracy, murder, accumulating unexplained wealth, failure to disclose all her properties and interests in properties sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Sa June 3, 2025, itinakda ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court ganap na alas-nuebe ng umaga.
MARK 7:20-23: He went on: “What comes out of a person is what defiles them. For it is from within, out of a person’s heart, that evil thoughts come—sexual immorality, theft, murder, adultery, greed, malice, deceit, lewdness, envy, slander, arrogance and folly. All these evils come from inside and defile a person.”
Collossians 3:9-10 “Do not lie to each other, since you have taken off your old self with its practices and have put on the new self,which is being renewed in knowledge in the image of its Creator”.
Sumainyo ang Katotohanan.