133 total views
Nanawagan ang Prelatura ng Isabela de Basilan sa Commission on Elections (Comelec) na isuspinde ang halalan sa Matarling, Lantawan sa Basilan.
Ayon kay Bishop Martin Jumoad, ito’y dahil lantaran ang dayaan sa nasabing lugar kung saan ang mga balota lalo na ang nasa posisyon ng pagka-Bise Alkalde ay may mga marka na.
Dagdag ng obispo, may tatlong kalalakihan ang nagmamarka na ng mga balota bago pa ibigay sa mga botante.
Kaugnay nito, ayon pa sa obispo, may mga armadong grupo din na nanggugulo sa Masola, isang barangay sa Isabela City kung saan kaninang umaga, marami ang hindi makaboto dahil sa mga armadong lalaki na hindi pa malaman kung sinong kandidato ang sinusuportahan at kung anong grupo ang mga ito.
“Many problems on VCM, in Masola mountainous Brgy. Of Isabela City, rebels or armed group came to disrupt election, while in Matarling, Lantawan, I saw three men doing the shading of many ballots, I call the attention of Comelec to suspend the election in Matarling, Lantawan as there was cheating in that precinct.” Pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
Pinaiimbestigahan din ng obispo sa Comelec ang mga guro o Board of Election Inspectors sa lugar partikular na sa Matarling Lantawan
“Kaya nga nananawagan ako sa Comelec…there were teachers inside the voting precinct, I hope they will be interrogated, walang Comelec dito sa Lantawan Basilan, sana matawagan yung Comelec na assigned doon. And interrogate the teachers in the precinst of Matarling Lantawan.” Ayon pa kay Bishop Jumoad.
Nasa mahigit 60,000 ang rehistradong botante ng Basilan noong 2013 elections.