Obispo, ipinagdarasal na matutugunan ng pamahalaan ang problema sa flooding

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,176 total views

Ipinarating ng Diocese of Borongan ang pakikiisa sa mga Pilipinong nasalanta ng magkakasunod na kalamidad na dulot ng bagyong Crising at hanging Habagat.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, bagamat maayos ang kanilang kalagayan sa Eastern Samar ay hindi nila nakakalimutan ang mga Pilipinong naranasan ang matitinding pagbaha.
Ipinapanalangin ni Bishop Varquez ang katatagan ng loob ng mga Pilipinong patuloy na bumabangon sa mga suliraning dulot ng kalamidad.

“So I hope yung kabuoan yung approach para ma-address ang problema sa flooding and even typhoons sa ating areas sa Pilipinas. So yun ang ating nakita sa lahat ng mga biktima ng floodings, ngayon we pray for you, nakikita namin ang inyong mga paghihirap na sana makabangon muli tayo sa pamamagitan po ng ating pagtutulungan at sa ating pagtitiwala sa Diyos,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Varquez.

Umaasa din ang Obispo na matugunan ng pamahalaan ang suliranin ng pagbaha dahil ang mga mahihirap na kabilang sa most vulnerable sector ang pangunahing naapektuhan ng mga kalamidad.
Bukod sa pakikiisa, inihayag ni Bishop Varquez na nakahanda ang simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mga residente na nasalanta ng kalamidad.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umaabot na sa 1.4-million ang bilang ng mga Pilipinong biktima ng pananalasa ng bagyong Crising at Habagat na katumbas ng 401-libong pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 152,423 total views

 152,423 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 174,533 total views

 174,533 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 247,527 total views

 247,527 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 239,323 total views

 239,323 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top