Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, may friendly challenge kay pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 299 total views

Karaniwan na sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ang naglalakad ng walang armas at walang body guards sa mga ordinaryong lansangan na hindi kayang gawin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., kaugnay na rin sa panawagan ng Pangulo sa mga ‘tambay’ na holdapin at patayin ang mga obispo na kanilang makikita sa kalye.

Ayon kay Bacani, kung talagang matapang Pangulo ay maari niyang subukan ang ginagawa ng mga Obispo na maglakad sa lansangan ng walang pag-aalinlangan.

“Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte, simple lang na ganito. Alam niyo kaming mga Obispo naglalakad kami, wala kaming body guard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aids na nakapaligid na marami, wala kaming dalang baril, gano’n kami; ang challenge ko kay President Duterte kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya yung ginagawa namin,” ayon kay Bishop Bacani.

Inihayag ng Obispo na dito malalaman kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa Pangulo habang ang mga Obispo ay isang karaniwan ng gawain ang pakikihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao sa bawat araw.
Nilinaw ni Bishop Bacani na hindi na bago ang mga ganitong pahayag ng Pangulo na isa namang biro laban sa Simbahan, mga Obispo, mga Pari at pananampalatayang Katoliko.

Unang umalma si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga pahayag ng punong ehekutibo.

Read: Pangulong Duterte, kabiguan at kahihiyan sa bansa

Una na ring inihayag ng Santo Papa Francisco sa kaniyang mensahe sa ‘52nd World Day of Peace 2019’ ang ‘Good Politics is at the Service of Peace’.

Binigyan diin nito ang malaking ang tungkulin na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagkamit ng pangkalahatang kapayapaan sa buong daigdig.

Paliwanag ng Santo Papa, ang pulitika ay isang mahalagang paraan ng pagtatayo ng mga komunidad at institusyon ng tao, ngunit kapag ang buhay pampulitika ay hindi nakikita bilang isang uri ng serbisyo sa lipunan sa kabuuan, maaari itong maging isang paraan ng pang-aapi, marginalisasyon at kahit ng pagkakawatak-watak.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,607 total views

 28,607 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,591 total views

 46,591 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,528 total views

 66,528 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,436 total views

 83,436 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,811 total views

 96,811 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 30,722 total views

 30,722 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 12,154 total views

 12,154 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top