212 total views
Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Obispo ng Antipolo sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng 15 pasahero.
Ipinagdarasal ni Antipolo Bishop Francisco De Leon na nawa ay makapiling ng Diyos sa langit ang kaluluwa ng 15-estudyante na namatay sa aksidente.
“Lord, welcome into you loving embrace those 15 students killed in the accident, comfort their loved ones, heal those injured.” panalangin ni Bishop De Leon na ipinadala sa Radio Veritas
Ipinagdarasal din ng Obispo na mabigyan ng katahimikan at mahipo ng Diyos ang bawat puso ng mga mahal sa buhay ng mga biktima sa gitna ng kanilang pagdadalamhati at paghihinagpis.
“Lord, comfort the families of those who died. Heal their hearts & memories of the tragic accident. Amen
Kasabay nito ang apela ng Obispo sa mga bus companies na tiyaking maayos ang kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasahero.
“may owners of all buses inspect their buses before renting them & keep safe all travelers.”panawagan ng Obispo
Base sa ulat, umaabot na sa 15-estudyante ng Best College of the Philippines ang namatay sa bus accident.
50-estudyante ng Best College of the Philippines ang sakay Panda Coach Tourist and Transpo Inc. na may plakang TXS-325 para sa kanilang field research ng maaksidente sa Sitio Bayucal, Barangay Sampaloc,Tanay, Rizal dakong 8:45 ng umaga.