Online Simbang gabi, isasagawa sa UAE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 453 total views

Isasagawa online ng Filipino community sa United Arab Emirates ang trasdisyunal na simbang gabi batay na rin sa alintuntunin na ipinatupad sa bansa.

Ayon kay Gis Specialist and Field Soil Technician Rommel Pangilinan, ang social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi mahalagang sundin ang panuntunan ng pamahalaan para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan.

“We have to adhere sa guidelines ng gobyerno para sa safety ng mga mamamayan ng UAE; kaya magiging virtual ang aming simbang gabi this year,” pahayag ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Sinabi ni Pangilinan na ipinagbabawal ng pamahalaan ng UAE ang mga mass gatherings kabilang na rito ang mga gawaing simbahan lalo na sa nalalapit na pasko upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Batay sa World Meters Info sa humigit kumulang 172-libong kaso ng COVID-19 sa UAE, 14 na libo rito ang aktibong kaso habang gumaling naman ang 156, 000 na mamamayan.



Matutunghayan ang simbang gabi sa Facebook page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi na magmumula sa St. Josephs Cathedral sa Abu Dhabi mula ika – 15 hanggang ika – 23 ng Disyembre ganap na ikapito ng gabi.

Inaanyayahan din ni Rev. Fr. Troy de los Santos, OFM Cap., Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia ang mahigit isang milyong Katoliko sa Abu Dhabi na makiisa sa siyam na araw na paghahanda ng Pasko ng Pagsilang.
Tinatayang may 700, 000 ang mga Overseas Filipino Workers na Katoliko sa Abu Dhabi.

Saad naman ni Pangilinan na marahil ito ay pamamaraan ng Diyos upang maging ligtas ang bawat isa sa banta ng nakahahawang sakit.

“Siguro this is God’s plan na maging safe ang Simbang Gabi; pwede nating kompletuhin ang simbang gabi sa online,” ani Pangilinan.

Sa panuntunang inilabas ng pamahalaan ng UAE, ipinagbabawal ang pagtitipon sa National Day, Pasko at ang Bagong taon.

Paalala nito sa mamamayan na gawing virtual ang mga pagtitipon, bawal din ang palitan ng regalo at pagkain, ang mga konsiyerto na lampas sa tatlong oras ay kinakailangang aprubahan ng pamahalaan at mahigpit pa ring iiral ang mga safety health protocol sa Middle East.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 94,875 total views

 94,875 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 116,985 total views

 116,985 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 191,602 total views

 191,602 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 188,357 total views

 188,357 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top