Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P-D30, pinuri ng obispo hinggil sa refugees

SHARE THE TRUTH

 259 total views

Ikinatuwa ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang Pilipinas sa mga refugee na nakakaranas ng kaguluhan sa kanilang bansa.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, isang magandang hakbangin ang ginawa ng pangulo lalo’t ang halos 15 milyong overseas Filipino workers ay maluwag rin namang tinatanggap sa ibat-ibang mga bansa.

Malaki rin ang pasasalamat ng obispo, dahil kinilala ni Pangulong Duterte ang tungkulin ng Pilipinas sa pangangalaga sa mga migrante sa nilagdaan nitong pangako sa 1951 Convention Relating to the Status of Refugees.

“Magandang balita at nakikita natin rito na ang Pilipino kilala being hospitable o bukas loob, bukas-palad na tumatanggap sa mga nangangailangan, sa mga kapwa natin na kung saan tayo rin ay migrants. Na tayo rin ay lumalabas ng bansa upang magtrabaho tayo ay tinatanggap. Ang bansang Pilipinas ay signatory at tinutupad lamang natin ang ating pangako ang ating pinirmahan at ito ay nagpapatotoo na kung saan ay kinikilala natin ang kabutihan ng bawat isa maging sino man sila na may kakayahan at dapat nating tanggapin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Pahayag pa ni Bishop Santos na ang naging desisyon ng Pangulong Duterte na pagkukop ng Pilipinas sa mga refugees mula sa ibang bansa ay buhay na pagtupad sa isa sa mga pitong corporal works of mercy na pagkukop sa mga walang tahanan o dayuhan.
“At ito ay magandang bunga ng Taon ng Awa na kung saan one of corporal works of mercy ay tanggapin ang mga dayuhan, tanggapin ang mga nangangailangan ang mga nasa kagipitan at ito ay isa ng malaking pagpapakilala na ginagawa natin ang ating ipinagdiwang na Taon ng Awa,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na sa isang ulat na inilabas ng United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR), sinabi nitong hanggang noong Hunyo ng taong 2014, umabot sa 13 milyon ang bilang ng mga refugee sa buong mundo.

Anito, ito ay ang pinakamalaking bilang ng refugee sa daigdig, mula taong 1996.
Ipinahayag ng UN na ang walang tigil na digmaan sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ay ang ugat sa pagtaas ng naturang bilang.

Nauna na ring nakasaad sa bagong Apostolic Letter ng Kanyang Kabanalan Francisco na “Miserecordia et Misera” (Mercy and Misery) na ipadama ang habag ng Diyos sa mga migrante at kilalanin ang kanilang dignidad.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 104,220 total views

 104,220 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 111,995 total views

 111,995 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 120,175 total views

 120,175 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 135,209 total views

 135,209 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 139,152 total views

 139,152 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 90,311 total views

 90,311 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,450 total views

 86,450 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 33,062 total views

 33,062 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 33,073 total views

 33,073 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 33,077 total views

 33,077 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top