P5-bilyong calamity loans, inilaan sa PAG-IBIG members na nasalanta ng bagyong Paeng

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total views

Naglaan ng limang bilyong piso ang Pag-IBIG Fund para tulungan ang mga miyembrong nasalanta ng bagyong Paeng.

Tiniyak ni Department of Human Settlements and Urban Development secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar ang pag-agapay sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng calamity loan sa mga miyembro.

“We have set aside P5 billion in calamity loan funds to help them recover from the damages caused by the typhoon,” pahayag ni Acuzar.

Sa datos ng Pag-IBIG Fund nasa 344, 000 kasapi ng institusyon ang napinsala ng bagyo mula sa CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ilan pang lugar na nagdeklara ng state of calamity.

Ito ang tugon ng ahensya sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang tulong sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad sa bansa para makabangon sa pinsala ng bagyo.

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, bagamat biktima at napinsala rin ang ilang tanggapan ng institusyon sa mga apektadong lalawigan ay nanatili itong bukas para pagsilbihan ang mga miyembro at maipamahagi ang financial assistance.

“When calamities strike, we at Pag-IBIG understand that our members in affected areas need immediate financial assistance. For this reason, we make sure that all our services and benefits remain accessible to our members,” ani Acosta.

Sinabi ni Acosta na nasa dalawang bilyong piso na ang naipamahagi sa halos 150-libong kasapi ng Pag-IBIG Fund sa calamity-hit areas sa bansa.

Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan maaring makahiram ang mga miyembro ng hanggang 80 porsyento sa kabuuang Pag-IBIG Savings mula sa buwanang hulog at mga dividendong kinita.

Nagtalaga rin ng Lingkod Pag-IBIG On-Wheels ang ahensya para paigtingin ang serbisyo sa mamamayan lalo na sa mga lugar na labis napinsala ng kalamidad.

Maaari ring mag-apply ang mga miyembro sa Virtual Pag-IBIG o online access para sa kanilang loan application.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 88,425 total views

 88,425 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 88,425 total views

 88,425 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 88,425 total views

 88,425 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,758 total views

 85,758 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 78,312 total views

 78,312 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top