74,465 total views
Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito?
Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad.
Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025?
Kapanalig, napahalaga ang taong 2025 sa ating mga kristiyano at sa buong simbahang katolika., ipinagdiriwang natin ang Jubilee 2025: Pilgrims of Hope”.
Sa kanyang new year eve mass at pagdiriwang ng dakilang kapistahan ni Maria sa Manila cathedral, may panawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananampalataya…manatiling kumapit sa pag-asang hatid ng panginoong Hesus.
Iginiit ni pinunong Pastol ng Archdiocese of Manila na si Hesus ang pag-asa, hindi bibiguin ng kanyang habag,awa at pagmamahal ang tao..Tayo ay hinihikayat ni Cardinal Advincula na paigtingin ang pagdiriwang sa Jubilee Year of Hope at palaganapin ang pagbibigay pag-asa sa kapwa…Inaanyayahan din tayo Kapanalig ng Cardinal na gawin nating totoo ang Jubilee Year of Hope sa pamilya., sa ating pamayanan, sa kapwa at mamuhay tayo sa pag-asa.
Ang mga kristiyanong namumuhay sa pag-asa ay naniniwala kasama niya ang Diyos sa gitna ng mga pasakit. Sa panahon na marami at mabigat ang kanyang pasanin, naniniwala siyang pasan niya si Hesus sa kanyang krus.
Kapanalig, mayroong ding “new year resolution” sa atin si Cardinal Advincula…ang hiling ng pinunong pastol…alisin na natin ang ugaling paasa…ugaling palaasa ngayong 2025.
Ayon kay Cardinal Advincula…. ang mga taong paasa ay mga taong hindi tumutupad sa mga pangako, madaling makalimot sa mga sinumpaan at usapan. Marami sa mga paasa ay umaaligid, nagpaparamdam sa nalalapit na halalan… Ang mga taong palaasa ay hindi nakakatayo sa sariling paa, mabilis sumuko sa mga hamon sa buhay…ika nga, mga batugan!
Kapanalig, ngayong 2025 tayo ay tinawagan ng simbahan na maging instrumento ng pag-asa sa kapwa lalu na sa mga dukha, mahihinang sector sa lipunan kabilang na ang mga may karamdaman, maging mga bilanggo.
Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa huling quarter ng taong 2024, 90-porsiyento ng mga Pilipino ay positibo ang pananaw sa taong 2025.. mababa ito kumpara sa 96-percent noong 2023.
Sinasabi sa (John 12:46-50):”Jesus came to save the world, not to judge it. Whoever believes in Him should not abide in darkness.”
Sumainyo ang Katotohanan.