Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,944 total reads

Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21

Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo pwedeng makita ang aking mukha nang hindi ka namamatay.”

Kaya nagtataka ako sa formula ng basbas ni Aaron sa mga Israelita ayon sa ating unang pagbasa. Ganito daw ang sasabihin: “Nawa’y pagpalain ka ng Diyos at ingatan. Nawa’y ipakita niya sa iyo ang kanyang mukha at kasihan ka niya ng pagpapala. Nawa’y pagmasdan ka niya at bigyan ng kapayapaan.” Akala ko ba ikamamatay ng tao kung makita niya ang mukha ng Diyos? Paano bang basbas iyon? Gusto niya ba silang mamatay?

Doon nga sa Exodus 34, pinagbigyan daw ang hiling ni Moises pero inilagay siya sa likod ng bato at tinakpan ng Diyos ang mukha ni Moises habang ang Panginoon ay dumadaan. At nang makalampas na siya, noon lang inalis ng Panginoon ang kamay niya para makita siya ni Moises nang hindi nakaharap kundi nakatalikod. Baka nga kasi ikamatay niya ito.

Kahit si San Pablo may sinasabi ring hawig dito. Sa dulo ng chapter 13 ng 1Corinthians, sabi niya, “Ngayon naaaninag lang natin siya katulad ng nakikita sa salamin. Darating ang panahon, magkikita rin tayo nang mukha sa mukha, “face to face.” Ito ang pinagmulan ng konsepto ng beatific vision o ang katuparan ng pangarap na makita ang mukha ng Diyos pagkamatay ng mga banal.
Ang Pasko ay tungkol sa pagkakatawang tao ng Diyos sa pamamagitan ni Mama Mary. Nang isilang ang Anak ng Diyos bilang Anak ng Tao, nabigyan siya ng hugis at wangis ng tao. Kay Hesus nabigyan ng katuparan ang pangarap ni Moises: ang makita ang Diyos nang mukha sa mukha, hindi sa kabilang buhay kundi dito sa mundo.

Sa araw na ito ng pagsalubong natin sa bagong taon 2025, ang jubilee of hope, o hubileo ng pagasa, magandang paghugutan ng pagninilay ang panalanging dinadasal natin sa dulo ng rosaryo, ang SALVE REGINA. Tinatawag natin siyang Mater misericordia, vita, dulcedo et spes nostra… “inang maawain, aming buhay, tamis at pagasa.” Sabi pa niya sa may dulo ng panalangin, “At saka, Ina namin, Ilingon mo sa amin ang iyong maawaing mga mata. At pagkatapos ng pagpanaw namin, Ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus, Ang mapalad na bunga ng iyong sinapupunan.”

May pagasa ang tao—ito ang mabuting balita ng pananampalatayang kristiyano sa daigdig. Bakit? Dahil niyakap ng Diyos ang ating abang pagkatao sa sandaling nabigyan siya ng hugis at mukha ng tao sa sinapupunan ng mahal na ina at isinilang na taong katulad natin. Ang makita si Hesus, mahalin siya at masundan, ang matingnan ang mukha niya tulad ng pagtingin ni Maria sa mukha ng anak niya, ito ang sikreto ng kaganapan ng pangarap ni Moises na masilayan ang mukha ng Diyos.

Kay Hesus, maaaninag natin ang pag-asa ng tao sa kabila ng lahat ng ating mga pagkukulang at kapalpakan. Sa pamamagitan ng ating pakikipagkaisang-puso at diwa sa kanya, ang ating pagkatao ay hindi na natin dapat ikahiya. Tanging kay Kristo lang magniningning ang lahat ng totoo, mabuti at maganda tungkol sa ating pagkatao. Ang nakakakita sa kanyang mukha ay natutututong magmahal kung paano niya tayo minahal: nagiging handang maglaan ng buhay para sa minamahal, kahit pa ito ikamatay. Mabiyayang bagong taon po sa inyong lahat!

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,823 total reads

 1,823 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,432 total reads

 59,432 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 119,929 total reads

 119,929 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,017 total reads

 139,017 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,670 total reads

 219,670 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,693 total reads

 318,693 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,334 total reads

 16,334 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,976 total reads

 15,976 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 41,163 total reads

 41,163 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 105,184 total reads

 105,184 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top