Proteksyon sa dignidad ng buhay, hiling ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,674 total reads

Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mananampalataya na isulong ang kapayapaan at proteksyon sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao.
Sa pagninilay ng santo papa sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at paggunita sa 58th World Day of Peace, binigyang diin nito ang kalahagahan ng buhay ng bawat indibidwal kaya’t dapat itong igalang at protektahan.
Tinuran ng santo papa ang halimbawa ng Mahal na Birhen na nagdalantao kay Hesus upang magkatawang tao at makilakbay sa sangkatauhan.
“On the World Day of Peace, this invitation springs from Mary’s maternal heart, and we are all called to heed it: to protect life, care for wounded life—so much wounded life—and restore dignity to the life of every ‘born of a woman’,” bahagi ng pagninilay ni Pope Francis.
Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang pagkakatawang tao ni Hesus sa pamamagitang ng Birheng Maria ay nagpapakita ng presensya ng Diyos sa kabila ng kahinaan ng tao.
Mariin ang panawagan ni Pope Francis sa bawat isa na dapat igalang ang dignidad ng buhay ng tao kasabay ng pagkundena sa mga karahasan sa mundo na kumikitil ng buhay lalo na sa mga inosenteng sibilyan.
“I ask for a firm commitment to promote respect for the dignity of human life, from conception to natural death so that every person may love their life and look to the future with hope,” ani Pope Francis.
Samantala muling inanyayahan ni Pope Francis ang bawat isa lalo na ang isang bilyong katoliko sa mundo na ipagpasalamat ang mga biyayang ipagkakaloob ng Panginoon sa taong 2025 lalo’t kasabay nito ang pagdiriwang ng Jubilee Year kung saan bawat pagdalaw sa mga jubilee churches ay matatamo ang plenary indulgence.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,084 total reads

 32,084 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,801 total reads

 68,801 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,012 total reads

 87,012 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,340 total reads

 171,340 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,267 total reads

 207,267 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,300 total reads

 4,300 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top