Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aralang mabuti ang pagbabalik ng ROTC

SHARE THE TRUTH

 753 total views

Mga Kapanalig, aprubado ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng ROTC o Reserved Officers’ Training Corps sa Grade 11 at Grade 12. Sa kasalukuyan, ang ROTC ay isa sa tatlong pagpipilian ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng National Service Training Program o NSTP; ang dalawang iba pa ay ang Literacy Training Service at Civic Welfare Training Service. Taóng 2002 nang ipatupad ang NSTP matapos gawing hindi na sapilitan o required ang ROTC.
Bakit nais ibalik ang programang ito? Ayon sa pamahalaan, ituturo ng ROTC sa mga kabataan ang pagmamahal sa bayan, wastong pag-uugali, respeto sa karapatang pantao, at pagtalima sa ating Saligang Batas. Upang maibalik ang sapilitang pagsali ng mga mag-aaral sa ROTC, kailangan itong maisabatas. May mga sang-ayon sa mga katwirang ito ng pamahalaan.
Mayroon din namang malamig ang pagtanggap dito dahil dagdag gastos ito para sa mga magulang. Matatandaang ginawang optional ang ROTC matapos matagpuang walang buhay ang isang estudyante ng isang malaking unibersidad noong 2001. Ang nasabing estudyante ay nagsiwalat ng katiwalian sa kanilang yunit. At hanggang ngayon, ayon sa mga grupong tutol sa ROTC, ay patuloy ang kurapsyon sa kasalukuyang porma ng ROTC. Dagdag pa ng mga kontra sa hakbang na ito, maling ideya ng pagmamahal sa bayan ang ituturo ng ROTC dahil ang pagsunod ng mga estudyante sa kanilang mga pinuno ay mistulang pagbubulag-bulagan at walang pagtatanong at kritikal na pag-iisip. Tinuturuan silang matakot sa mga otoridad, sa halip na makilahok sa pagbubuo ng mga patakarang wasto at tunay na makabubuti. May mga ulat din ng hazing at iba pang karasahan bilang paraan ng pagdidisiplina.
Sa mas malalim na pagsusuri, ang tradisyunal na disenyo at kasalukuyang pagpapatupad ng ROTC ay tila ba salungat sa malaya at makahulugang pag-uugnayan ng mga namumuno at ng mga pinamumunuan, bagay na mahalaga sa isang demokrasya.
Hindi takot o bulag na pagsunod ang sangkalan sa isang demokrasya. Kung ibabalik natin ang ROTC bilang pagsasanay sa ating mga kabataan, mainam na lutasin muna ang mga alegasyon ng katiwalian. Makatutulong ding pag-isipan kung mabisa nga ba itong paraan upang hubugin ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan sa ating mga kabataan. Maaari nating itanong: ang mga kaisipang ibinabahagi sa mga daraan sa ROTC ay makatutulong ba sa kanilang tumayo bilang mga mamamayang nakikilahok sa usapin ng bayan.
Kung walang babaguhin sa ROTC, masasabi rin nating magiging salungat ang programa sa mga prinsipyo ng panlipunang katuruan ng Simbahan, lalo na ang may kinalaman sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mga mamamayan o people empowerment. Sabi pa sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, ang tunay na demokrasya ay posible lamang kung ang isang estado sumusunod at nagtataguyod ng batas at kung nakabatay ito sa wastong pagtingin sa kabuuan at dignidad ng tao. Ang lipunang may tunay na demokrasya ay nagbibigay ng pagkakataon sa kanyang mga mamamayang umunlad at makalahok sa lipunan. Batay sa mga prinsipyong ito sa ating mga Catholic social teaching, maaari rin nating itanong: ang magiging disenyo ba ng ibabalik na ROTC ay magtataguyod ba ng dignidad ng ating mga kabataan? Kung mananatiling lantad pa rin ang mga kabataan sa katiwalian at karahasan habang lumalahok sa ROTC, marapat na pag-aralang mabuti ang hakbang na ito.
Mga Kapanalig, malaki ang paniniwala ng ating pangulo na kailangang ibalik ang ROTC at maraming mambabatas ang sumusuporta sa kanya. Ngunit gaya ng sa ibang patakarang nais ipatupad ng administrasyon, huwag nating hayaang madaliin ang pagbabalik ng ROTC para lamang mapagbigyan ang nais ng iilan. Ang dignidad ng tao—o ng mga kabataan sa isyung ito tungkol sa ROTC—ang dapat na isaalang-alang ng mga bumubuo ng ating pamahalaan.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,411 total views

 6,411 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,395 total views

 24,395 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,332 total views

 44,332 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,525 total views

 61,525 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,900 total views

 74,900 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,487 total views

 16,487 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,412 total views

 6,412 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,396 total views

 24,396 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,333 total views

 44,333 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,526 total views

 61,526 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,901 total views

 74,901 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 86,009 total views

 86,009 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,774 total views

 120,774 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,759 total views

 119,759 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,412 total views

 132,412 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top