155 total views
Sa kabila ng umiiral na karahasan at temptasyon sa lipunan, hinikayat ni Diocese of Digos Bishop Guillermo Afable ang bawat isa na magtiwala sa biyayang hatid ng Mahal na Birhen ng Fatima.
Ayon sa Bishop Afable, hindi madaling labanan ang tukso ng demonyo ngunit kung isasabuhay ng tao ang mensahe ng Mahal na Ina na ipalaganap ang kapayapaan at pag-ibig ay madaling mapagtatagumpayan ng bawat nilalang ang pagsubok na kanyang kakaharapin.
“The message of Fatima is really the message of hope. In front of the ugly face of sin and evil, people might tend to run away and get despaired and hopeless. But Our Lady of Fatima precisely reminded us that our Lord and our Lady are with us and her immaculate heart will triumph so it means people will be converted. We have to sacrifice more and convert more, hindi lang puso dasal,” pahayag ni Bishop Afable.
Naniniwala rin ang Obispo na natatangi sa lahat ang aparisyon at presensya ng Our Lady of Fatima sapagkat taglay nito ang katangian ng isang ina na hindi matatagpuan sa Diyos Ama at Espiritu Santo.
“She’s a mother and we began our existence in the womb of our mother so she has an appeal that our Lord and the Holy Spirit do not have. The motherhood of Mary is the greatest gift that God has given us because he did not only choose her to be our mother but mother of all humanity. Of all the different apparitions, ito yung pinakamaraming ipinahayag na messages especially the messages regarding faith, charity and mercy,” dagdag ng Obispo.
Ito ang mensahe ni Bishop Afable sa isinagawang National Marian Congress on the Centennial of the Apparitions of Fatima sa Mall of Asia, SMX Convention Center.
Layon ng National Marian Congress on the Centennial of the Apparitions of Fatima na ipahayag ang pagmamahal ni Maria sa sangkatauhan at parangalan ang kanyang ambag sa pagpapatatag ng pananampalataya sa Simbahang Katolika.
Taong 1917 nang maganap ang aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima kung saan hiniling nito sa mga batang pastol na si Lucia, Francisco at Jacinta na ipalaganap ang pagdarasal at pagbabalik-loob.
Bilang patunay ng debosyon ng mga Filipino sa Mahal na Ina ay itinayo sa Valenzuela City ang National Shrine of Our Lady of Fatima noong 1961.