Human Rights Council, itatatag sa Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Itatatag ng Diocese of Kalookan ang isang Human Rights Council na tututok at magbabantay sa tumataas na insidente ng pagpatay sa CAMANAVA o Caloocan, Malabon,Navotas at Valenzuela area.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church at incoming CBCP Vice-President, bubuuin ang Human Rights Council ng mga kinatawan mula sa local government units, Simbahan at mga civil society groups.

Positibo si Bishop David na sa pamamagitan ng H-R-C ay mas madaling mamo-monitor at mababantayan ang imbestigasyon at pag-usad ng kaso ng pagpatay ng mga vigilante group sa CAMANAVA.

“Kailangan talaga ng imbestigasyon at kaya nagbabalak kami na magtayo ng Human Rights Council, sisimulan namin sa Caloocan sana sa bawat bayan magkaroon ng ganoon, parang a Human Rights Council na represented yung local government units, yung Simbahan at ang ibang mga civil society groups para namo-monitor natin itong mga killings…”pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Unang ibinahagi ni Bishop David ang pakikipagpulong sa mga alkalde ng Navotas, Caloocan at Malabon na tatlong lungsod na nasa ilalim ng Diocese of Caloocan upang hinimukin ang mga itong puspusang isulong ang imbestigasyon at pagbibigay katarungan sa mga kaso ng pagpatay sa tatlong siyudad.

Paglilinaw ng Obispo, kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa pagkondina at pagnanais na puksain ang paglaganap ng illegal na droga na maituturing na isang salot sa lipunan ngunit hindi dapat sa pamamaraang marahas at hindi makatao.

Kaugnay nito, batay sa huling tala ng Philippine National Police sa mahigit na 60-libo anti-drug operations ay umaabot na sa higit sa 3-libo ang mga napaslang matapos lumuban sa mga otoridad habang mahigit sa apat na libo ang kaso ng extra-judicial killings sa war on drugs ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,968 total views

 2,968 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,778 total views

 40,778 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,992 total views

 82,992 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,524 total views

 98,524 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,648 total views

 111,648 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,953 total views

 14,953 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top