Immorality of war spending, kinundena ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,098 total reads

Kinundena ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na armadong sagupaan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ito ang bahagi ng pastoral alert ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na may titulong “A Time of Shaking, A Call to Shared Humanity” kaugnay sa patuloy na mga digmaang nagaganap sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

Partikular na kinundina ni Bishop Alminaza na siya ring vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, ang malaking halagang inilalaan at ginagastos sa digmaan kung saan aabot sa 200-milyong-dolyar kada araw ang nawawaldas para sa mga bala, bomba at iba pang armas na sumisira sa mga ari-arian at buhay ng inosenteng sibilyan.

“The Immorality of War Spending. Every day this war continues, we are reminded of a stark reality: $200 million a day is being spent on war—just in the Israel-Iran conflict alone. That’s billions burned on missiles, destruction, and defense systems… while children die of hunger, communities drown in floodwaters, and our youth lose hope.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na paggasta para sa digmaan na nagdudulot lamang ng kagutuman, kahirapan at pagdurusa sa mga pamayanan.

Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza na mahalaga ang paninindigan ng bawat isa laban sa patuloy na pag-iral ng karahasan na hindi lamang sumisira sa mga istruktura at ari-arian kundi maging sa dignidad at buhay ng mga mamamayan.

“As people of faith, we must say it clearly: This is not only unsustainable—it is unjust. This is not simply a budgetary issue. It is a moral failure—a betrayal of human dignity and God’s call to peace.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Pagbabahagi ng Obispo, napapanahon na upang magkaisa ang bawat mananampalataya upang ipanalangin ang paggabay ng Panginoon na mawakasan na ang anumang sigalot at hindi pagkakaunawaan na nagdudulot ng armadong sagupaan sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

“This is not a time to remain on the sidelines. Let us not be passive observers, but prophetic disciples— rooted in prayer, guided by conscience, and in solidarity with the poor and the planet.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.
Una na ring nanawagan ng dayalogo, at pagkakasundo ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa pagkamit ng matagal ng inaasam na kapayapaan sa daigdig kung saan walang sinuman ang dapat na magdusa ng dahil sa walang saysay na sigalot at karahasan na dulot ng armadong sagupaan.

Paliwanag ni Pope Leo XIV, marapat na maging bukas ang mga lider ng bawat bansa sa pakikipagdayalogo upang mapayapang maresolba ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang bansa.

Sa Pilipinas kapwa naman nananawagan ang Simbahang Katolika sa mga magkatunggaling bansa na magkasundo para sa negosasyon at dayalogo upang magkaisang isulong ang kapayapaan sa mundo.

Bukod sa Israel at Iran, umiiral pa rin ang sigalot sa Gaza gayundin sa Ukraine at Russia at maging sa iba pang panig ng mundo kung saan milyong katao na ang nagsilikas para sa kaligtasan mula sa karahasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,644 total reads

 24,644 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,877 total reads

 61,877 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,088 total reads

 80,088 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,416 total reads

 164,416 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,649 total reads

 200,649 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,628 total reads

 37,628 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top