Pag-ibig at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 741 total reads

Ito ang mensaheng binigyang diin ni Father Dan Vicente Cancino, Jr. M.I. – Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagbisita sa Pilipinas ng hindi naaagnas na puso ni San Camillo de Lellis.

Inihayag ng Pari na dala din ng malinis na puso ng Santo ang mensahe na hindi nalilimutan ng Panginoon ang bawat tao sa kabila ng lumalaganap sa lipunan na pagkakahiwa-hiwalay, siraan, paglapastangan sa buhay, kalayaan, at karapatan sa pagpapahayag ng mga Filipino.

“Yung puso ni San Camillo de Lellis dala nito ang mensahe galing sa ating Panginoong Diyos, mensahe ng pag-ibig, mensahe ng kapayapaan, at mensahe na hindi tayo nakalilimutan ng ating Panginoong Diyos bagamat marami tayong nararanasan dito sa atin na pagkakahiwa-hiwalay, pagsisiraan, pagpatay sa buhay, pagpatay sa kalayaan, hindi lang kalayaan ng mga Filipino pero kalayaan din sa Media, kalayaan ng pagpapahayag.” Pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinimok ng Pari ang mga mananampalataya na bumalik sa tunay na nilalaman ng puso ng bawat tao, ang pag-ibig.

Sinabi ni Father Cancino na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagsisiraan, pagkakawatak-watak, at pagsira sa sagradong buhay ng tao.

Binigyang diin ni Father Cancino na kinakailangang manindigan ng bawat mananampalataya at mabuting simulan ito sa pagkalinga sa mga may sakit tulad ng ginawa ni San Camillo de Lellis.

“Ngayon manindigan tayo sa ating pananampalataya na nagmumula mismo sa pag-ibig ng Diyos sa atin, yun ang mensahe ng pagbisita ni San Camillo de Lellis at ito’y nag-uumpisa sa larangan ng kalusugan. Yung mga maysakit na nalagay na sa gilid na nakalimutan na, ilagay natin sila sa puso ng ating lipunan, dun natin umpisahan sa pamilya. Ilagay natin yung mga may sakit akayin natin sila sa pinaka puso ng ating lipunan, ipakita natin na mahalaga pa rin sila sa atin.” Dagdag pa ng Pari.

Naniniwala si Father Cancino na tanging sa pamamagitan lamang ng pagbubuklod ng puso ng bawat tao ay tunay na matutugunan ang mga nangangailangan at mapapawi ang lumalaganap na kadiliman sa lipunan.

Matatandaang ikalawa ng Pebrero 2019, nang dumating sa Pilipinas ang Incorrupt Heart Relic ni St. Camillus, at sa kasalukuyan ay libu-libo na ang mga mananampalatayang nagpupunta sa iba’t- ibang lugar na pinagdarausan ng veneration nito.

Inaasahan naman na patuloy pang dadayuhin ng mga mananampalataya ang iba’t-ibang mga simbahan, at ospital sa ilalim ng 19 na mga Diyosesis at Arkidiyosesis, mula Luzon, Visayas at Mindanao na pupuntahan ng hindi naaagnas na puso ni St. Camillus de Lellis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 44,752 total reads

 44,752 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,673 total reads

 94,673 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,544 total reads

 142,544 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,493 total reads

 246,493 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,323 total reads

 330,323 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,822 total reads

 41,822 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,702 total reads

 34,702 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top