Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-ibig na hindi nagsasawa

SHARE THE TRUTH

 306 total views

Mga Kapanalig, kailan kaya matatapos ang karahasan sa ating daigdig?

Umaga ng Martes noong nakaraang linggo sa Normandy, France, dalawang lalaking sinasabing taga-suporta ng grupong Islamic State ang lumusob sa isang simbahan kung saan may ginaganap na Misa. Pagkatapos nilang magbanggit ng tila ba isang sermon sa wikang Arabic, ginilitan nila sa leeg ang paring si Fr Jacques Hamel, 86 na taóng gulang, sa harap ng mga dumadalo sa Misa, kabilang ang tatlong madre.

Nang dumating ang mga pulis, ginawang hostage ng mga umatake ang dalawang madre at isang parokyano habang sumisigaw sila ng “Allahu akbar!”, mga katagang nangagahulugang “Ang Diyos ang pinakadakila!” Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na, ayon sa mga ulat at paunang imbestigasyon, ay ilang buwan nang minamanmanan ng pamahalaan dahil sa kanilang ugnayan umano sa grupong Islamic State. Kung pagbabatayan ang kuwento ng mga nakaligtas sa pag-atake, malinaw na pinatay ang pari dahil siya ay Kristiyano.

Ang nangyari sa Normandy ay isa sa mga dumaraming terror attacks sa France. Ang pagpatay naman kay Fr Hamel ay ang pinakahuling pag-atake laban sa mga Kristiyano, sa mga naniniwala at nagsasabuhay ng kanilang pananampalataya kay Hesus. Maraming Katoliko na ang ginagawan ng masama at napapatay sa Pakistan, Egypt, Yemen, Iraq, Syria, at ilang bansa sa Africa.

Marahil, dahil mas nakararami ang mga Katoliko sa Pilipinas, hindi natin nararamdaman ang ganitong uri ng pagkamuhi sa atin ng mga taong iba ang paniniwala at pananampalataya kaysa sa atin. Ngunit hindi ito dahilan upang ipagsawalambahala natin ang patuloy na kalupitan at pang-aapi sa mga Kristiyano sa ibang bahagi ng mundo. Mayroon itong hinihingi sa ating tugon hindi lamang bilang tagasunod ni Hesus kundi bilang kanilang kapwa-tao.

At madali sa atin ang magalit at maghinganti. Ngunit bilang mga mananampalatayang naninindigan sa batas ng pag-ibig at kapayapaan, tayo po ay paulit-ulit na inuudyok na maging masigasig na magbalikatan at magtulungan sa halip na hayaang mamayani ang kasamaan at karahasan. May mas malaking hamon pa ito, mga Kapanalig. Sa kabila ng karasahan, ng di-mapangangatwiranang pagpaslang, kailangan po nating panatilihing bukás ang ating mga kamay upang patuloy na makipamuhay at makiisa sa mga taong iba ang relihiyon o lahi.

Malinaw na ang anumang gawaing nagpapalaganap ng terorismo ay malaking balakid sa pagtatag ng kaharian ng Diyos sa mundo. Mayroong magandang paalala ang mga obispo sa Amerika sa kanilang pahayag na pinamagatang “Confronting a Culture of Violence.” Sinabi nilang hindi lahat ng karahasan ay nakamamatay, hindi lahat kasintindi ng gawaing terorismo. Ngunit ang karahasan ay nagsisimula sa galit, sa kawalan ng pagtitiwala sa iba, sa pagkakaroon ng maigsing pasensya, at walang batayang panghuhusga. At makikita ito sa ating mga salita, sa mga palabas na ating tinatangkilik, sa ating pakikipagkumpetensya sa iba, at sa kung paano natin tinatrato ang kalikasan. Ang mga ito ay gawain at disposiyong kailangan nating bantayan dahil maliit man ito sa ating pangingin, ang mga ito ay binhi ng karahasan laban sa ating kapwa.

Kaya’t kung ang tugong gagawin natin sa harap ng terorismo ay karahasan din o di kaya’y pagkamuhi rin sa mga taong kabilang sa isang relihiyong ginagamit ng mga terorista, nagiging instrumento rin tayo ng paghahasik ng takot at pagkamuhi. Lalabagin din natin hindi lang ang dangal pantao ng ating kapwa kundi ang sarili nating dignidad.
Mga Kapanalig, kung ang nangingibabaw ay pagkamuhi, galit, at paghihiganti, tiyak na wala tayong matatanaw na katapusan sa karahasan. Ngunit naniniwala tayong gaya ng halimbawa ni Hesus at ng kanyang mga tagasunod, silang mga nag-alay ng sarili nang walang poot at hinanakit, kung hindi natin bibitiwan ang pag-ibig sa ating kapwa, isang pag-ibig na hindi nagsasawang yakapin ang mga nakagagawa ng mali, isang pag-ibig na naniniwala sa kabutihan ng bawat isa, walang karahasang hindi natin magagapi. Mahirap gawin ngunit ito ang mainam at mabuti.
Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,968 total views

 4,968 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,555 total views

 21,555 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,924 total views

 22,924 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,605 total views

 30,605 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,109 total views

 36,109 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 4,969 total views

 4,969 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 21,556 total views

 21,556 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 22,925 total views

 22,925 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 30,606 total views

 30,606 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 36,110 total views

 36,110 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 43,464 total views

 43,464 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 79,010 total views

 79,010 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 87,887 total views

 87,887 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 98,965 total views

 98,965 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 121,374 total views

 121,374 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 140,092 total views

 140,092 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 147,841 total views

 147,841 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 156,012 total views

 156,012 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 170,493 total views

 170,493 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top