Curfew ordinance, dapat pag-aralang mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Umaasa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na muling mapag-aaralan at masusuri ang nasasaad sa “curfew ordinance” matapos pansamantalang suspendihin ng Korte Suprema ang implementasyon nito sa Maynila, Quezon City at Navotas.

Ayon sa Obispo, dapat ring ikonsidera ng mga otoridad at mga mambabatas ang reyalidad ng modernong panahon partikular na ng mga estudyanteng hindi maiwasang gabihin ng pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

“Dapat pag-usapan pa ng maayos itong mga TRO sa curfew kasi totoo iba na yung reyalidad ngayon maraming estudyante gabi na umuuwi, mayroon tayong mga iba pang mga lakad so dapat tingnan na hindi naman masyadong ma-pertail ang freedom ng mga kabataan. Tingnan ano ba talaga yung tinututulan ng curfew at ayaw ng Supreme Court at ayusin siguro ng batas,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, nanawagan rin ang Obispo sa mga kabataan na sumunod sa batas at mga alituntuning ipinatutupad sa pamayaman na naglalayung mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.

Kasabay ng Temporary Restraining Order sa isinampang petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), inatasan rin ng Supreme Court ang mga lokal na opisyal ng tatlong lungsod na maghain ng komento kaugnay sa nasabing petisyon.

Paliwanag ng mga mahistrado, ang ginagawang pagdeditine sa mga menor de edad gamit ang curfew ordinance ang pinag-aaralang iligal sa pagpapatupad ng Manila City Ordinance No. 8046, Quezon City Ordinance No. SP-2301 at Navotas City Ordinance No. 2002-13.

Partikular na nakasaad sa isinampang petisyon ng grupo ang paglabag ng tatlong lungsod sa Republic Act (RA) No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act kung saan hindi maaring iditene ang mga kabataang edad 18 taong gulang pababa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 3,591 total reads

 3,591 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 76,676 total reads

 76,676 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 163,175 total reads

 163,175 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 206,210 total reads

 206,210 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 255,804 total reads

 255,804 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top