Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FLAG, natatakot na tsismis ang batayan sa pagpatay sa mga drug suspect

SHARE THE TRUTH

 308 total views

Idaaan sa tamang proseso at imbestigasyon ang mga drug suspect at huwag patayin.

Ito ang mariing panawagan ng Free Legal Assistance Group o FLAG sa gitna ng dumaraming napapatay na mga pinaghihinalaang suspek ng paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.

Ayon kay Coikie Diokno, secretary-general ng FLAG, hindi dapat sugpuin ang krimen ng isa pang krimen o ang pagpatay sa mga suspect sa halip na hulihin at litisin sa korte.

Nanindigan si Diokno na hindi sapat na dahilan ang intillegence report o mga pagbibintang at akusasyon lamang sa isang suspek upang patayin.

Ipinaalala ni Diokno na tungkulin ng otoridad na mangalap ng ebidensiya at iharap sa hukuman ang mga suspek upang mahatulan base sa mga ebidensiya na nakalap.

“Hindi makatarungan na ang mismong pagpatay ng walang ebidensiya. Dito po nagkakamali ang pag-iisip at pagtingin ng mga tao kasi ang tingin nila kapag may intelligence report kapag may police report ay sapat na yun. Hindi ebidensiya ang intelligence. Nakakatakot na puro tsismis ang basehan ng mga police sa pagpatay.”pahayag ni Diokno

Inihayag ni Diokno na nagsisikap ang kanilang grupo na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga tao hinggil sa mga pangunahing karapatang pantao ng bawat mamamayan na nilalabag ng mga otoridad sa war on drugs.

Inamin ni Diokno na mayroon ng pamilya ng mga biktim ng extra-judicial killings ang lumalapit sa kanilang tanggapan upang humingi ng tulong at makapagsampa ng kaso sa police na pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kaugnay nito, binuhay ng FLAG ang kanilang “anti-death penalty task force” na tututok sa mga pagpatay, salvaging o yung tinatawag na extrajudicial killing.

Sa pinakahuling datos ng PNP, 316 drug suspects na ang napapatay sa war on drugs ng Duterte administration.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,438 total views

 10,438 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,398 total views

 24,398 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,550 total views

 41,550 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,980 total views

 91,980 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,900 total views

 107,900 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 26,298 total views

 26,298 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 3,872 total views

 3,872 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 42,295 total views

 42,295 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 26,218 total views

 26,218 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 26,198 total views

 26,198 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 26,198 total views

 26,198 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top