Buhay Partylist, tiniyak na ipaaabot sa publiko ang kasamaan ng death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,745 total reads

Tiniyak ni Buhay partylist representative Lito Atienza na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maipaliwanag sa publiko ang kasamaan at kamalian ng death penalty na isinusulong na maibalik ng Kongreso.

Naniniwala si Atienza na bagamat super majority ang may hawak ng House Bill No. 1 na ito, marami pa rin ang may konsensiya na maninindigan na mahalaga ang buhay at hindi ang kinaanibang partido.

“Wednesday nag-start, ngayon siguradong I accelerate nila at susubukang I-fast break, gagawin po naman natin lahat ng paraan upang ipaliwanag sa bayan ang kasamaan at kamalian ng death penalty…super majority sila, pero marami tayong kasamahan na mayroong ding konsensiya at kapag alam nilang mali hindi sila basta susunod na lamang.” pahayag ni Atienza sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, nagagalak ang Buhay Partylist dahil sa isinatinig na ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng mga obispo ang kanilang saloobin kung saan binasa sa mga Misa ang kanilang pastoral statement may kinalaman sa pagrespeto sa buhay.

“Binasa sa mga Simbahan kahapon ang mensahe ng ating Simbahan, ng mga obispo, tama po yun malaking bagay na ipaaala sa lahat lalo na sa mga mambabatas ang pagpapahalaga sa buhay ng bawat nilalang, I’m very happy the Church started to react properly sa mga nangyayaring hindi tama.” ayon pa kay Atienza.

Nagsimula na ang debate sa Kongreso sa pagbabalik ng parusang bitay noong nakaraang linggo. Una ng hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga mambabatas na anti-death penalty na manindigan sa kanilang ipinaglalaban kahit sila ay nasa ilalim pa ng pamunuan na nais ibalik ang batas na ito.

Sa huling tala, nasa 140 mga bansa na ang nagtanggal ng death penalty kabilang ang Pilipinas dahil hindi ito napatunayang nagpababa ng kaso ng krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,426 total reads

 11,426 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,311 total reads

 46,311 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,793 total reads

 82,793 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,005 total reads

 101,005 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,754 total reads

 184,754 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 86,318 total reads

 86,318 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 63,873 total reads

 63,873 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 102,301 total reads

 102,301 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top