148 total views
Magsasagawa ng “Oratio Imperata” ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan para yumabong ang bokasyon ng pagpapari sa Arkidiyosesis at sa buong bansa.
Sa ipinadalang panalangin ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sisimulan nila ang “Oratio Imperata” sa ika-11 ng Pebrero hanggang ika-25 ng Marso 2017.
“To be prayed after Communion before the Post Communion Prayer in all Masses in the Archdiocese of Lingayen-Dagupan from February 11 Memorial of Our Lady of Lourdes until March 25, Solemnity of the Annunciation.” pahayag ni Archbishop Villegas.
Ipapanalangin ang pagkakaroon ng marami pang seminarista at mga magbokasyon sa pagpa-pari na siyang matapang na taga-pagdala ng katotohanan sa gitna ng pagiging sugatan, sa pagkakaroon ng karahasan at pagtuligsa sa Simbahan.
“Hatred, violence and oppression have wounded us, send us courageous priests and seminarians to be heralds of truth, justice and grace. Misery, poverty and distress afflict so many, send us generous priests and seminarians to set your people free from the shackles of sin.”bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Ipapanalangin din ang pagkakaroon ng mga pari na kayang ipakita ang mukha ni Hesus bilang pag-asa sa isang lipunan na may takot at kawalang pag-asa.
“Fear, discouragement and restlessness trouble multitudes, send us priests and seminarians who can show your face of hope for the world.”pahayag ng CBCP president.
Ipagdarasal din ang mga kabataan na makita ang mukha na Hesus at hangarin ang daan patungo sa kabanalan sa gitna ng pagkagulo ng isipan at pagiging makasarili.
“Doubts, distrust and reluctance prevent our youth from deciding to follow you, set the hearts of our youth on fire to follow you. Impurity, selfishness and pleasure seeking blind our souls, bless our youth with pure hearts to see your face and seek holiness”.dagdag pahayag ni Archbishop Villegas.
Ipinagdiriwang ngayong taon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang “Year of the Parish” bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Katolisismo sa 2021.
Nabatid sa survey ng Simbahan na mayroong mahigit sa 8-libong pari ang naglilingkod sa mahigit 74-milyong Katoliko sa bansa o isang pari para sa mahigit 8-libong parokyano.