CPP-NPA-NDF, nararapat magdeklara ng ceasefire

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 488 total reads

Nararapat magdeklara ng tigil putukan ang CPP-NPA-NDF laban sa puwersa ng pamahalaan upang maipakita ang kanilang sensiridad upang tuluyang makamit ang pangkalahatang kapayapaan sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Former Parañaque Congressman Roilo Golez – dating National Security Adviser kaugnay sa nakatakdang pagsisimula ng pormal na peace talks sa Norway at pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa una nang idineklarang “Unilateral Ceasfire” matapos maganap ang labanan sa pagitan ng grupong New People’s Army at AFP-Civilian Auxiliary Force sa Davao del Norte.

Bukod dito binigyang diin rin ni Golez na dapat maging bahagi ng ceasefire agreement ng magkabilang panig ang pansamantalang hindi pagkilos partikular na ng kumunistang grupo upang palawakin pa ang kanilang idelohiya at impluwensya sa mga pamayanang kanilang nasasakupan.

“Kasama rin dapat sa ceasefire agreement yung hindi dapat kumikilos yung kabila para palawakin yung kanilang idelohiya, para palawakin yung kanilang baranggay na naiimpluwensyahan,” pahayag ni Golez sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito inaasahang ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang nakatakdang peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa ika-20 ng Agosto sa Oslo, Norway kung saan inaasahan na rin ang pagdideklara ng NDF ng Unilateral Ceasefire sa pagitan ng pamahalaan.

Samantala, bukod sa tigil putukan inaasahan rin ang pagpapalaya sa mga political prisoners na batay sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) mula sa pinahuling tala noong ika-31 ng Mayo, 297 mula sa 509 na political prisoners ang ilegal na inaresto sa ilalim ng Administrasyon Aquino.

Sa bilang na ito 18 ang naitalang mga peace consultants ang NDFP, 88 ang may karamdaman, 48 naman ang mga matatanda habang tinatayang nasa 74 na mga detainees naman sa buong bansa na nananatiling wala paring hatol sa loob ng higit na 10-taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 2,080 total reads

 2,080 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 75,284 total reads

 75,284 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 161,783 total reads

 161,783 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 204,818 total reads

 204,818 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 254,496 total reads

 254,496 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top