Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabago ng Seminary guidelines, agenda ng 116th CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total views

Pangunahing tutukan ng bagong pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapa-ibayo ng formation sa mga seminaryo kasabay ng pagdiriwang ng Pilipinas ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ngayong taon.

Pagtitibayin ito sa kauna-unahang plenary assembly kasama ang mga bagong halal na opisyal ng CBCP sa pangunguna ng Pangulo na si Davao Archbishop Romulo Valles, at vice-president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, maraming usapin ang kinakaharap ngayon ng lipunan at napiling tutukan ng pamunuan ang pagtulong ng simbahan sa mahihirap.

“Talagang ang simbahan naman ay may preferential option for the poor ‘yan. Ngayon tinitingnan nila kung paano ang simbahan magiging effective,” ayon kay Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Father Secillano na layon ng pagbabago ng guidelines sa mga seminaryo ay makahikayat din ng bagong bokasyon para sa pagpapari.

“Focus ng CBCP ngayon kung paano makakatulong sa mahihirap at ang bagong guidelines ng seminaryo para sa formation ng mga pari. Kasi nga renewal ng clergy, kaya dapat magsisimula sa seminaryo at attuned na rin sa panahon baka outmoded na ang ginagamit natin,” ayon kay Fr. Secillano.

Sa tala ng CBCP Catholic Directory, higit sa 10,000 ang mga pari bagamat nanatiling ang ratio ay isang pari sa bawat 8,000 mga katoliko.

Dagdag pa ni Fr. Secillano, posible ring talakayin ng mga Obispo sa plenary assembly ang ilang usaping panlipunan tulad ng Federalism, Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang Constitutional Assembly (Con-ass).

Ang CBCP plenary assembly ay isasagawa sa huling linggo ng Enero na gaganapin sa Cebu City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 90,053 total views

 90,053 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 135,776 total views

 135,776 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 137,986 total views

 137,986 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 208,228 total views

 208,228 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 213,610 total views

 213,610 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top