Pagbabalik-loob sa Panginoon, susi ng kapayapaan — Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total views

Pagbabalik-loob sa Panginoon ang susi upang makamtam ang kapayapaan ng buong mundo.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Triduum Mass sa Our Lady of Fatima, Mandaluyong City bilang paghahanda sa kapistahan ng huling aparisyon ng Birhen ng Fatima tuwing ika-13 ng Oktubre.

“Peace is possible only through authentic conversion, peace could be attained only if God reigns in our heart, in our hearts, and in the world,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin ni Cardinal Advincula ang tunay na pagkilala sa kalooban ng tao sa halip na husgahan base sa panlabas na kaanyuan.

Hinikayat naman ni Fr. Carlos Reyes, Parish Priest ng Our Lady of Fatima, ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Fatima upang maghilom ang buong mundo.

Umaasa si Fr. Reyes na paigtingin ng mga mananampalataya ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan.

“Kagaya rin ng mensahe ng Our Lady of Fatima na tayo ay magpinetensya at magdasal ng Rosaryo, lalung-lalu na sa panahon ngayon na nagkakaroon ng digmaan sa Eastern Europe sa pagitan ng Ukraine at Russia. Medyo bumibigat na rin po ang ating buhay dahil tumataas po ang mga bilihin lalung lalu na po yung gasolina,” panayam ng Radio Veritas kay Fr. Reyes.

Malugod din ang pasasalamat ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos sa pagkakataon na nagtitipon ang mamamayan sa kabila ng mga suliranin na nararanasan ng buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 86,256 total views

 86,256 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 86,256 total views

 86,256 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 86,256 total views

 86,256 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,644 total views

 83,644 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,371 total views

 76,371 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top