Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabalik ng tiwala, susi sa pagbangon ng Marawi

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Mga Kapanalig, patuloy na ipinapanalangin ng buong bansa ang pagtigil ng labanan sa Marawi na nagsimula pa noong Mayo 23 at nagpalikas sa humigit-kumulang 300,000 tao mula sa kanilang mga tahanan. Sa huling talâ, lampas 400 na ang nasawi sa digmaang ito, kasama ang 44 na sibilyan at 75 na mga sundalo at pulis. Ang mga nagsilikas sa iba’t ibang bayan ay masidhing nagsusumamo na itigil na ang labanan at ang araw-araw na pagkawasak ng mga tahanan at ari-arian sa kanilang minamahal na lungsod, na siyang pangunahing “Islamic city” ng Pilipinas.

Paano nga kaya babangon ang lungsod ng Marawi mula sa pagkawasak na tinamo nito mula sa digmaang hanggang sa araw na ito ay patuloy sumisira sa buhay, mga ari-arian, at kinabukasan ng mga taga-Marawi?

Sa kabila ng pangako ng pamahalaang maglalaan ito ng 10 bilyong piso para sa rehabilitasyon ng Marawi, mas malaking hamon ang pagpapanumbalik ng kapayapaan hindi lang sa Marawi kundi sa iba pang bahagi ng Mindanao na nababalot ng karahasan at digmaan. At hindi ito magiging madali. Dahil sa pagkasira ng kanilang lungsod, maraming Maranao ang maaaring madismaya sa pamahalaan. Nakadaragdag pa sa kawalan ng tiwala ng mga Moro sa pamahalaan ng Pilipinas ang mabagal na pag-usad ng pagpasá sa Bangsamoro Basic Law o BBL. Sinasabi ng mga eksperto sa Mindanao na ang pagkabuo ng Abu Sayyaf, ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, at ng grupong Maute ay resulta ng napakabagal na proseso at kawalan ng malinaw na direksyon ng sunud-sunod na pakikipag-usap sa pamahalaan ng iba’t ibang mga grupong Moro tulad ng MNLF at MILF. Maraming mga kabataan raw ang naaakit na sumama sa mga grupong tulad ng Abu Sayyaf, BIFF, at Maute dahil na rin sa pananaw nilang talagang walang malasakit ang pamahalaan sa mga Moro at walang kahihinatnan ang mapayapang pag-uusap.

Mga Kapanalig, ipinahihiwatig ng mga kaganapang ito na ang higit na mahalagang maitayong muli ay hindi ang mga gusali, kalsada, at kabahayang nawasak ng digmaan, kundi ang tiwala ng mga kapatid nating Moro sa ating pamahalaan. Mahalagang bahagi ng pagpapanumbalik ng tiwala ng mga Maranao sa pamahalaan ang rehabilitasyon ng Marawi sapagkat ipapakita nito ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa kanila. Subalit hindi ito sapat. Kailangang mabilis na maibigay sa mga Moro ang matagal na nilang hangaring magkaroon ng ganap na awtonomiya sa pagpapatakbo ng isang rehiyong Bangsamoro. At ito ay maaaring maganap sa mabilis na pagpasa sa BBL.

Ang hinihingi sa atin, mga Kapanalig, upang makatulong sa pagbangon ng Marawi at sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa Mindanao ay ang pakikipagkaisa natin sa hangarin ng mga Moro para sa awtonomiya. Dito natin mapagtatanto ang katotohanan sa turo ng Santa Iglesia—na ang kapayapaan ay bunga ng pakikipagkaisa. “Peace is the fruit of solidarity,” wika nga ni St John Paul II sa kanyang encyclical na Sollicitudo Rei Socialis. Sa madaling salita, kapag may pakikipagkaisa ang mga kasapi ng isang lipunan at may pagkakaunawaan at malasakit sila sa isa’t isa anuman ang kanilang relihiyon, katatayuan sa buhay, o bayang pinagmulan, uusbong ang tunay na kapayapaan.

Masalimuot ang usapin ng BBL subalit kailangan itong bigyang-prayoridad ng Kongreso at ng Ehekutibo kung nais nating maitayong muli ang tiwala ng mga kapatid nating Moro sa ating pamahalaan. Ang pangkaraniwang mga Pilipino ay kailangan ding magpakita ng malasakit at pakikiisa sa hangaring ito ng mga Moro nating kababayan. Hikayatin natin ang ating mga mambabatas na pagtuunan ng pansin ang pagpasa sa BBL kapag ito ay muling maiparating sa Kongreso. Bilang mga mamamayan, unawain at kilalanin nating matagal nang uhaw sa katarungan at malasakit ang mga kapatid nating Morong hindi nakatitikim ng tunay na kaunlaran sa kanilang lupang tinubuan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,589 total views

 6,589 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,573 total views

 24,573 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,510 total views

 44,510 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,701 total views

 61,701 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,076 total views

 75,076 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,629 total views

 16,629 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,590 total views

 6,590 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,574 total views

 24,574 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,511 total views

 44,511 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,702 total views

 61,702 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,077 total views

 75,077 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 86,030 total views

 86,030 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,795 total views

 120,795 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,780 total views

 119,780 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,433 total views

 132,433 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top