Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbibigay tuon sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

 151 total views

Ito ang tema ng kapistahan ni Nuestro Padre Hesus Nazareno: Hinirang at Pinili upang maging lingkod niya.

Ayon kay Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene o kilalang Quiapo church, bilang pinili at pinaboran ang kahilingan ay nawa gamiting pagkakataon ng mag deboto ang kapistahan bilang pagpapasalamat sa Poong Nazareno.

Ipinagdarasal ni Msgr. Coronel na ang bawat deboto ay maging daluyan ng biyaya ng Diyos tulad din ng biyayang natanggap mula sa pagdedebosyon sa imahe ng Nazareno.

“Ito po ang tema natin ang atensyon ngayon ay sa mga deboto, upang tayo…pinaboran tayo, sinagot ang ating kahilingan tayo naman ay tumanaw ng utang na loob. Tayo’y hinirang at pinili at ngayon naman ay tayo naman ay tumanaw ng utang ng loob. Maging malapit tayong lingkod, alipin, instrumento, behikulo ng napakabait na Panginoon,” ayon kay Msgr. Coronel.

Maagang nagsimula ang pahalik sa imahe na ginanap sa Quirino grandstand na karaniwan ay isinagawa alas-8 ng umaga.

Ayon kay Msgr. Coronel, binigyang pagkakataon na ang mga pulis, mga volunteers at mga debotong maagang dumagsa sa Quirino grandstand na makahalik sa imahe.

“Ang opisyal na pahalik ay alas-8, pero alas-5 pa lang ng umaga nagsimula na ng unti-unti. Yung mga ordinaryong nating tao, volunteer natin ay nakalapit na sa Poong Hesus Nazareno,” ayon kay Msgr. Coronel.

Ipinaalala ng pari sa mga magtutungo sa Luneta Park para pahalik na mag-ingat at huwag magdadala ng mga alahas at iba pang mahahalagang gamit.

“Paaalala natin taon-taon, bawal ang buntis, bawal ang nagdadala ng sanggol, bawal ang mga lasenggo. Lalung lalu na yung may pre-existing health condition lalu na ‘yung sa puso ay dini-discourage ‘yan. Pati ang mga vendor na nagbebenta ng may barbeque sticks tulad ng fish balls, squid balls, BBQ, hotdogs ay nakakapinsala po ito,” ayon kay Msgr. Coronel.

PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN
Matiwasay at ligtas na ‘Traslacion ng Nuestro Padre Hesus Nazareno’.

Ito naman ang personal na panalangin ni NCRPO chief, deputy director general Guillermo Eleazar sa pagdiriwang ng Traslacion 2019.

“Ay ang aking hiniling, unang naisip ko kaagad ay sana mairaos itong Traslacion 2019 ng matagumpay ang walang anumang any untoward incident na mangyari sa milyong-milyong deboto at expectators na dadalo at lalahok sa ating religious event na ito,” ayon kay Eleazar.

UNANG PAGKAKATAON SA PAHALIK
Kabilang din si Eleazar sa mga unang pumila sa pahalik sa imahe ng Poong Nazareno.

“Napakaganda ng pakiramdam. Katatapos ko lang humalik sa paa ng ating Itim na Nazareno, ito ang aking unang pagkakataon kung hindi pa ako naging regional director, kaya dala ko ang panyo na aking itatago,” ayon kay Eleazar.

Mensahe pa ni Eleazar sa milyong-milyong deboto na gamiting itong pagkakataon na magmuni-muni sa ating pamumuhay sa pagharap sa panibagong taon.

“Para sa ating kababayan at mga deboto. Ito ay napakagandang araw para sa atin. Nawa itong pagkakataong ito ay maging pagkakataon sa atin na makapagmuni-muni at maisipan ang mga nangyari sa ating buhay at harapin ang bagong taong ito na handang magbigay ng sakripisyo para sa ating bayan at para sa ating Poong Maykapal,” panawagan pa ni Eleazar.

Aabot naman sa higit 7,000 mga pulis ang itatalaga ng PNP sa paligid ng Quirino grandstand at Quiapo church para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

Noong nakalipas na taon, umabot sa 22 oras ang itinagal ng prusisyon sa higit 6 na kilometrong ruta bago naibalik sa dambana ang Poong Nazareno.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,233 total views

 7,233 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,714 total views

 14,714 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,854 total views

 27,854 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,827 total views

 33,827 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 39,581 total views

 39,581 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Mamamayang Filipino, tungkuling malaman ang kalagayan ng bayan

 732 total views

 732 total views Mahalaga sa bawat mamamayan na makibahagi at mapakinggan ang mga usaping panlipunan kabilang na ang kasalukuyang kalagayan ng bansa. Ito ang binigyan diin ni Fr. Joel Saballa ng Diocese ng Novaliches at anchor priest ng programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas, kaugnay na rin sa gaganaping State of the Nation Address ng Pangulong

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 18,462 total views

 18,462 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 24,009 total views

 24,009 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 34,884 total views

 34,884 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 47,142 total views

 47,142 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 44,491 total views

 44,491 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 47,525 total views

 47,525 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 46,909 total views

 46,909 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 57,136 total views

 57,136 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 56,825 total views

 56,825 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 58,356 total views

 58,356 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 41,141 total views

 41,141 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 50,660 total views

 50,660 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 47,611 total views

 47,611 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 51,123 total views

 51,123 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top