Vicariate of Jolo, mayroon ng Apostolic administrator

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 689 total reads

Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Father Romeo Saniel ng Oblates of Mary Immaculate bilang Apostolic Administrator ng Jolo, Sulu.

Si Father Saniel ang pansamantalang mangangasiwa sa Apostolic Vicariate of Jolo hangga’t wala pang Obispong itatalaga ang Santo Papa na papalit sa iniwang posisyon ni Bishop Angelito Lampon noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Si Bishop Lampon ay itinalaga bilang Arsobispo ng Cotabato na kahalili naman sa nagretirong si Orlando Cardinal Quevedo noong Nobyembre 2018.

Bukod sa Jolo, Sulu sa kasalukuyan ay siyam pang mga diyosesis sa bansa ang walang nangangasiwang obispo kabilang na ang Butuan, Iligan, Isabela Basilan, Malolos, San Jose Mindoro, Taytay at Military Ordinariate.

Nagtalaga naman si Pope Francis ng mga kinatawan para sa mga ‘sede vacante’ na diyosesis kabilang na sa Taytay na pinangangasiwaan ni Fr. Reynante Aguanta; ang Iligan na pinangangasiwaan ni Dipolog Bishop Severo Caermare; si Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang administrator ng Diocese of Malolos; si Cebu auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio sa Military Ordinariate at San Jose, Mindoro sa ilalim ng pangangasiwa ni Ilagan Bishop William David Antonio.

Si Fr. Saniel ay kabilang sa Trustee ng Catholic Educational Association of the Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Itinakda naman sa ika-30 ng Enero 2019 ang pormal na pagtatalaga kay Fr. Saniel bilang administrator ng Jolo.

Mula sa higit isang milyong populasyon sa Jolo isang porsyento lamang ang nabibilang sa pananampalatayang katoliko o katumbas ng 31,000.

Ang Apostolic Vicariate ng Jolo ay binubuo ng limang parokya at may 13 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 957 total reads

 957 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,526 total reads

 36,526 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 73,010 total reads

 73,010 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,221 total reads

 91,221 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,511 total reads

 175,511 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top