Pagdaraos ng WACOM4 sa National Shrine of St. Padre Pio,isang biyaya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total reads

Itinuturing na isang biyaya ni National Shrine and Parish of St. Padre Pio Rector Rev. Fr. Joselin “Jojo” Gonda ang pagsasagawa ng ikatlong araw ng 4th World Apostolic Congress on Mercy sa Pambansang Dambana ni Santo Padre Pio sa Sto. Tomas Batangas.

Ayon sa Pari, isang pambihirang biyaya ang pagsasagawa ng WACOM4 hindi lamang sa kanilang parokya kundi maging sa buong Arkideyosesis ng Lipa, Batangas na mayroong aabot sa 1.9 na milyong mga Katoliko.

“napakalaking biyaya nito para sa amin dito sa National Shrine of St. Padre Pio hindi lang para sa National Shrine of St. Padre Pio kundi para din sa buong Archdiocese of Lipa kasi ngayon lang merong naganap na isang international event at ang event na ito pa ay tungkol sa mabathalang awa ng Diyos..” pahayag ni Fr. Gonda sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa temang ‘Remembering and Celebrating the Mercy of God as a Forgiven and Forgiving Community’ tumutok ang ikatlong araw ng WACOM4 sa kahalagahan ng Sakramento ng Kumpisal sa pagkamit ng Banal na Awa ng Panginoon kung saan nasa 200 mga Pari mula sa loob at labas ng Archdiocese of Lipa ang nagkaloob ng Sakramento ng Kumpisal sa mga delegado. Ayon kay Fr. Gonda, isa sa pinakamahalagang pagpapakita ng Banal na Habag at Awa ng Diyos ay ang kanyang pagpapatawad na makakamit lamang sa pamamagitan ng kusang pagtanggap at pag-amin sa pagkakamaling nagawa sa buhay. Batay sa tala ng pamunuan ng National Shrine and Parish of St. Padre Pio, mahigit-kumulang sa 10,000 ang mga delegadong dumalo sa ikatlong araw ng WACOM4 kabilang na ang mga lokal na delegado mula mismo sa Archdiocese of Lipa, Batangas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,098 total reads

 17,098 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,594 total reads

 51,594 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,076 total reads

 88,076 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,288 total reads

 106,288 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,734 total reads

 189,734 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top