Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dasal at tulong, kailangan ng mga biktima ng baha sa Cagayan de Oro.

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Nanawagan si Archdiocese of Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na ipanalangin at tulungan ang mga residente sa lalawigan na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Ipinagdarasal ng Arsobipo na hindi na maulit ang malaking trahedya na naganap nang manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan De Oro.

Pagbibigay diin ni Abp. Ledesma, mapipigilan ang mga malalaking trahedya, kung pangangalagaan ng tao ang kalikasan at kung lubos na mapaghahandaan ng bawat isa ang mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng panahon.

“We should really pray for the people in Cagayan De Oro again, last time nagkaroon ng Typhoon Sendong doon 5 [or 6] years ago and hopefully this is not a repeat of a bigger tragedy. Pero makikita rin natin na this is one call for us to also protect the environment saka always to be prepared for the natural calamities like this,” pahayag ni Abp. Ledesma sa panayam ng Radyo Veritas.

Tinukoy rin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pakakaisa ng pamahalaan at ng local communities sa pagpapanatili ng kalinisan, matapos maiulat na dahil sa mga baradong kanal at kalbong kabundukan ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng baha sa Cagayan De Oro.

“Dapat matingnan ng local government at ng local communities na dapat linisin yung mga drainage system natin and also we should really start in earnest yung re-greening program sa watershed areas natin.”pahayag ni Archbishop Ledesma

Samantala, bagamat nababahala ang Arsobispo dahil wala siya sa Cagayan De Oro dahil sa WACOM 4 ay tiwala itong mabilis na tinutulungan ng Social Action Center ng Archdiocese ang mga residenteng lumikas at apektado ng baha.

“I really feel a bit terrible also na wala ako doon, but I’m sure the local social action center there is helping out now, saka yung mga parishioners and the parishes are also trying to help, and as I am told this is also temporary nalang dahil the waters have already subsided,” bahagi ng pahayag ni Arsobispo.

Sa huli, binigyang diin ni Abp. Ledesma na sa ganitong mga pagkakataon ay mamayani at manatili sa bawat isa ang pagtutulungan upang maipalaganap ang habag at awa ng Panginoong Hesus.

“Dapat itong panawagan natin is really para sa lahat sa atin na maghanda tayo sa whatever calamities might happen again saka magtulungan rin tayo ngayon we can help all those badly affected by the recent flood. [I hope that] May the congress of divine mercy have a lasting effect dito sa Pilipinas,” pahayag ni Abp. Ledesma.

Kabilang din sa apektado ng baha ang Misamis Occidental, Camiguin islands,Iligan at Bukidnon.

Taong 2011 nang manalasa ang bagyong Sendong at magdulot ng matinding pagbaha sa Cagayan De Oro.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,156 total views

 29,156 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,873 total views

 40,873 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,706 total views

 61,706 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,129 total views

 78,129 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,363 total views

 87,363 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 80,337 total views

 80,337 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 67,191 total views

 67,191 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 62,596 total views

 62,596 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top