Pagdarasal sa kalusugan ng Pangulong Duterte, katangiang mapagmalasakit ng mga Filipino.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total views

Ang pagiging mapagmalasakit ng mga Filipino ay isang katangiang kinakailangan sa ngayon ng pinakamataas na pinuno ng ating bansa.

Ito ang pagninilay ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kaugnay sa kalagayang pangkalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Obispo, higit kailanman ay makapangyarihan ang sama-samang pananalangin upang maipasa-Diyos ang kalagayan o anumang karamdaman ng Pangulo.

Inihayag ni Bishop Santos na bukod sa pananalangin para sa kaayusan at kaunlaran ng bayan ay mahalaga ring isama sa panalangin ang kalusugan ni Pangulong Duterte na siyang tumatayong ama ng buong bansa.

“We, Filipino, are very prayerful people. We are very caring, very compassionate with one another ‘palagi tayong nagmamalasakit sa isa’t isa.’ Let us pray for our President, especially with his health. He is our president, father of the land. And in times of needs, in any situation we always pray. So we pray for one another, we pray for him and those with the same condition for help and for healing.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na ang pananalangin ay isang paraan ng pagkilala sa habag, awa at pag-ibig ng Panginoon para sa bawat isa.

Naunang nanawagan si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa mga Filipino na ipagdasal ang kalusugan ng pangulong Duterte.

Read: Taumbayan, Hinimok ng CBCP na ipagdasal ang Pangulong Duterte

Matapos ang magkakasalungat na pahayag ng mga miyembro ng gabinete, inamin sa publiko ni Pangulong Duterte ang kanyang muling pagpapasailalim sa Colonoscopy at Endoscopy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sinabi ng pangulo na kung sakaling magpositibo sa cancer ang resulta ng kanyang mga pagsusuri ay hindi na niya planong magpasailalim sa anumang uri ng treatment.

Sa edad na 73-taong gulang, si Pangulong Duterte ang pinakamatandang Pangulo ng Pilipinas na naihalal sa kasaysayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 170,676 total views

 170,676 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 192,786 total views

 192,786 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 265,107 total views

 265,107 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 255,410 total views

 255,410 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top