AMRSP, pinangunahan ang river clean up

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Pinangunahan ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines ang river clean up noong ika-lima ng Oktubre upang alalahanin ang pagtatapos ng Season of Creation tuwing ika-apat ng buwan na kasabay ng kapistahan ni St. Francis of Assisi.

Umaasa si Father Cielito Almazan, OFM na sa pagtatapos ng panahon ng paglikha ay lalo pang tumatak sa puso ng mga mananampalataya ang pagmamahal sa kalikasan.

Naniniwala ang pari na sa pagsira natin sa kalikasan ay sinisira din nito ang sangkatauhan.

Pinapayuhan ni Father Almazan ang mamamayan na ayusin ang waste disposal at sinupin ang mga basura at iwasan ang pagiging waldas sa paggamit ng mga resources o ang kayamanan ng kalikasan tulad ng tubig at enerhiya.

“Hindi na tayo magtatapon ng mga basura sa mga water waste sa mga river banks para laging malinis ang kapaligiran natin at yung ating lifestyle din sana ay hindi tayo masyadong wasteful, consumeristic, kun’di tayo’y laging nagtitipid para hindi masyadong ma-exhaust yung mga energies natin at resources.” Pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Father Almazan na ang paglilinis ng ilog sa closing ng Season of Creation ay isang simbolismo lamang at hamon sa bawat isa na lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi ng Pari na ang napiling lugar ng Barangay Talayan bilang isang mahirap na komunidad ay nagpapakita din na ang kapabayaan sa kapaligiran at sa mga ilog ay nagdudulot ng labis na pinsala sa mga dukha.

Sa kabila nito, labis ang pasasalamat ng Barangay Captain ng Talayan dahil sa patuloy na mga proyekto at programa ng AMRSP-JPICC sa kanilang lugar.

Ayon kay Jerry Ongtauco, matagal nang ipinatutupad sa kanilang barangay ang Zero Waste management program, gayunman napupunta sa kanila ang mga tinatangay na dumi mula sa mga ilog ng Fairview, Cubao, Valenzuela, Kalookan, at Balintawak Market.

“Kawawa ang Barangay Talayan, pero maski na papaano gagawin pa rin natin ang paraan para maiayos ang ilog natin.” Bahagi ng pahayag ni Ongtauco sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito nanawagan si Ongtauco sa lokal na pamahalaan sa Quezon City na pabilisin ang ginagawang paglilinis sa mga ilog, ang paglalagay ng mga pumping stations at ang iba pang proyekto sa pagsasaayos ng mga ilog.

Naniniwala si Ongtauco na ang basurang itinatapon ng bawat tao sa ilog ang siya ring ibinabalik ng kalikasan sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan at bumabaha.

Sinabi ng kapitan ng barangay na lahat ng tao ay may tungkulin na dapat gampanan sa pangangalaga sa kalikasan.

Ngayong 2018 ang ika-anim na taong pagdiriwang sa Season of Creation sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 13,292 total reads

 13,292 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 44,565 total reads

 44,565 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 123,804 total reads

 123,804 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,030 total reads

 218,030 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 278,079 total reads

 278,079 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 375,105 total reads

 375,105 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top