Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdarasal sa kalusugan ng Pangulong Duterte, katangiang mapagmalasakit ng mga Filipino.

SHARE THE TRUTH

 319 total views

Ang pagiging mapagmalasakit ng mga Filipino ay isang katangiang kinakailangan sa ngayon ng pinakamataas na pinuno ng ating bansa.

Ito ang pagninilay ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kaugnay sa kalagayang pangkalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Obispo, higit kailanman ay makapangyarihan ang sama-samang pananalangin upang maipasa-Diyos ang kalagayan o anumang karamdaman ng Pangulo.

Inihayag ni Bishop Santos na bukod sa pananalangin para sa kaayusan at kaunlaran ng bayan ay mahalaga ring isama sa panalangin ang kalusugan ni Pangulong Duterte na siyang tumatayong ama ng buong bansa.

“We, Filipino, are very prayerful people. We are very caring, very compassionate with one another ‘palagi tayong nagmamalasakit sa isa’t isa.’ Let us pray for our President, especially with his health. He is our president, father of the land. And in times of needs, in any situation we always pray. So we pray for one another, we pray for him and those with the same condition for help and for healing.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na ang pananalangin ay isang paraan ng pagkilala sa habag, awa at pag-ibig ng Panginoon para sa bawat isa.

Naunang nanawagan si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa mga Filipino na ipagdasal ang kalusugan ng pangulong Duterte.

Read: Taumbayan, Hinimok ng CBCP na ipagdasal ang Pangulong Duterte

Matapos ang magkakasalungat na pahayag ng mga miyembro ng gabinete, inamin sa publiko ni Pangulong Duterte ang kanyang muling pagpapasailalim sa Colonoscopy at Endoscopy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sinabi ng pangulo na kung sakaling magpositibo sa cancer ang resulta ng kanyang mga pagsusuri ay hindi na niya planong magpasailalim sa anumang uri ng treatment.

Sa edad na 73-taong gulang, si Pangulong Duterte ang pinakamatandang Pangulo ng Pilipinas na naihalal sa kasaysayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,436 total views

 16,436 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,396 total views

 30,396 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,548 total views

 47,548 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,738 total views

 97,738 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,658 total views

 113,658 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 15,695 total views

 15,695 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,735 total views

 23,735 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top