CBCP, nanawagan ng pakikiisa sa White Ribbon march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,384 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga obispo, pari, mga relihiyoso at relihiyosa, at mga layko na ipagpatuloy ang sama-samang pananalangin para sa kaliwanagan, pagbabagong-loob, at pagbangon ng bansa sa gitna ng patuloy na kinahaharap na mga suliraning panlipunan.

Sa inilabas na pastoral message ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera ay nagpasalamat ang Arsobispo sa patuloy na pakikiisa ng mga diyosesis, parokya, religious communities, at mga pamilya sa pagdarasal ng A Nation’s Prayer for Enlightenment, Conversion, and Renewal.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang papel ng panalangin sa gitna ng patuloy na pagharap ng bansa sa mga hamon ng korapsyon, kawalan ng katarungan, at paghina ng tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan.

Sa kabila nito, binigyang diin ng Arsobispo na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sambayanan sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.

“Over the past months, our dioceses, parishes, religious communities, and families have faithfully responded to our call to offer A Nation’s Prayer for Enlightenment, Conversion, and Renewal. I express my heartfelt gratitude to our brother bishops, priests, deacons, consecrated men and women, and the lay faithful who have persevered in this prayer. Your perseverance in prayer is a powerful witness of our trust in God and our love for our country. As our nation continues to confront the challenges of corruption, injustice, and the erosion of public trust, let us not lose hope.”
Bahagi ng mensahe ni Archbishop Garcera.

Partikular ding binanggit ng Arsobispo ang nakatakdang White Ribbon March sa June 28, 2026 sa EDSA People Power Monument na pangungunahan ng iba’t ibang religious groups bilang isang faith-based at non-partisan na gawain at paraan ng pananawagan para sa katotohanan, pananagutan, katarungan, at matuwid na pamamahala.

Suportado naman ni Archbishop Garcera ang mga nagnanais na makibahagi sa mapayapang pagtitipon na makiisa nang may panalangin at paggalang na naaayon sa dikta ng kanilang konsensya at lokal na sitwasyon.

Gayunman, binigyang-diin ng Simbahan na ang tunay na bukal ng lakas ng mga mananampalataya ay nananatili sa Banal na Eukaristiya.
“Above all, let us remember that the true source of our strength is the Lord present in the Eucharist. Do not forget to participate in the celebration of the Holy Mass on Sunday, June 28. The power of the Eucharist renews hearts and transforms lives, enabling us to become instruments of justice, reconciliation, and hope,” Ayon sa mensahe ni Archbishop Garcera.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga mananampalataya na ipagkatiwala sa mapagmahal na pagkalinga ng Mahal na Birhen ng Guadalupe ang bansa habang nagpapatuloy ang paglalakbay ng Kanyang pilgrim image sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Umaasa rin si Archbishop Garcera na sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ng Mahal na Birhen ay patuloy na magkakaroon ng kaliwanagan ng isip, pagbabagong-loob, at panibagong sigla ang sambayanang Pilipino tungo sa pagkakaisa at tunay na pagbabago.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,175 total reads

 56,175 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,671 total reads

 142,671 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,708 total reads

 185,708 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,467 total reads

 235,467 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,003 total reads

 394,003 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top