Pekeng pagdadalamhati ni VP Duterte, pinuna ng EJK Priest advocate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,563 total views

Binigyang-diin ni Arnold Janssen Kalinga Foundation and Program Paghilom founder at president Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD na hindi dapat maging palabas lamang ang pagdadalamhati sa gitna ng lumalalang karahasan sa lipunan.

Ito ang bahagi ng pahayag ng Pari bilang tugon sa naging reaksiyon ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City.
Ayon kay Fr. Villanueva, mahalagang magkaroon ng tunay na pananagutan at katapatan mula sa mga pinuno ng pamahalaan lalo na sa mga usaping may kinalaman sa karahasan at kapakanan ng mamamayan.

“Ang pagdadalamhati na walang katapatan ay isa lamang pagtatanghal. Buksan ang mga talaan. Sagutin ang mga tanong na matagal nang hinihingi ng taumbayan. Saka magsalita tungkol sa katarungan para sa ating mga anak. Matagal nang naglilibing ang mahihirap ng napakaraming pangakong nauwi lamang sa wala.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Sa kanyang pahayag, tinanong din ng Pari kung nasaan ang panawagan ng bise presidente para sa pagbabantay at pagiging mapagmatyag noong nawala ang pondo para sa kabataan na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na paliwanag.

Iginiit din ni Fr. Villanueva ang pangangailangang harapin ang epekto ng madugong kampanya kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyong Duterte.
“Ginang Pangalawang Pangulo, nananawagan kayo ngayon ng pagbabantay at pagiging mapagmatyag — ngunit nasaan ito noong naglaho ang pondo para sa ating mga kabataan sa ilalim ng inyong pamamahala, na hanggang ngayon ay walang malinaw na paliwanag at pananagutan? At nasaan ang inyong pagharap sa dugo ng Tokhang — isang kultura ng karahasang itinaguyod ng inyong ama at ng kanyang mga kasamahan, na hanggang ngayon ay patuloy na umaalingawngaw sa karahasang minamana ng ating mga kabataan?” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Patuloy namang nananawagan ang ilang sektor ng Simbahan at civil society groups para sa katotohanan, pananagutan, at katarungan sa harap ng mga usaping may kinalaman sa karapatang pantao at mabuting pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,937 total views

 8,937 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,666 total views

 76,666 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,818 total views

 99,818 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,933 total views

 169,933 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,020 total views

 244,020 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 9,820 total views

 9,820 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top