Paggamit ng renewable energy, pinalakas ng parokya sa Quezon province

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,408 total reads

Pinalawak ng St. Catherine of Alexandria Parish Church sa Pagbilao, Quezon ang paggamit ng renewable energy bilang bahagi ng pagtugon sa panawagan ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at mabawasan ang epekto ng climate change.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng pamunuan ng parokya, sa pangunguna ni Msgr. Noel Villareal, ang paglalagay ng bagong 10-kilowatt on-grid solar power system sa kumbento upang mapalawak ang paggamit ng malinis na enerhiya.

“As another step in our parish’s commitment to care for our common home, we have installed a 10 kW on-grid solar power system for the rectory. This more than meets the energy requirements of our two newly installed office air-conditioning units and other operations,” pahayag ng pamunuan ng St. Catherine of Alexandria Parish Church.

Dagdag pa nito, ang bagong pasilidad ay karagdagan sa umiiral nitong 5-kilowatt on-grid solar system sa kumbento at 10-kilowatt hybrid solar system sa mismong simbahan.

Ayon sa mga opisyal, inaasahang makatutulong ang paggamit ng renewable energy upang mabawasan ang gastusin sa kuryente at mailaan ang mas malaking bahagi ng pondo sa mga gawaing pastoral at mga programang panlipunan ng simbahan.

“By relying more on clean, renewable energy, we reduce electricity costs and free up more resources for the Church’s pastoral and social ministry,” ayon sa pahayag.

Binigyang-diin din ng pamunuan na mahalagang salik sa kanilang desisyon ang lumalaking banta ng El Niño at nagbabagong klima na patuloy na nakaaapekto sa mga pamayanan.

Ayon pa sa parokya, ang paggamit ng solar energy ay isang konkretong tugon sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na isulong ang pangangalaga sa kalikasan at responsableng pangangasiwa sa sangnilikha.

“Caring for creation is not only an environmental responsibility—it is an act of Christian stewardship,” giit ng parokya.

Kaakibat din ito ng pagsusulong ng Simbahang Katolika sa paggamit ng mas malinis na pinagkukunan ng enerhiya sa gitna ng mga pangamba sa epekto ng mga coal-fired power plant sa kapaligiran.

Matatagpuan sa Quezon ang ilang coal-fired power facilities kabilang ang mga planta sa Mauban at Pagbilao, habang nakatakda rin ang isang panukalang 1,200-megawatt coal-fired power project sa bayan ng Atimonan.

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 23,247 total reads

 23,247 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 82,174 total reads

 82,174 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 115,507 total reads

 115,507 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 147,651 total reads

 147,651 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 213,710 total reads

 213,710 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 227,792 total reads

 227,792 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 120,914 total reads

 120,914 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top