Tarlac Bishop Mallari, suportado ang paninindigan ni Bishop Mangalinao laban sa mining exploration sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,966 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta si Tarlac Bishop Roberto Mallari kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay ng kinakaharap nitong kaso dahil sa pagtutol sa mining exploration activities sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Bishop Mallari ang matatag na paninindigan ni Bishop Mangalinao sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa karapatan ng mga lokal na pamayanan na maaaring maapektuhan ng mga proyekto sa pagmimina.

Ayon kay Bishop Mallari, ang adbokasiya ni Bishop Mangalinao ay sumasalamin sa tunay na servant leadership at sa malalim na pananagutan ng Simbahan na pangalagaan ang “common home” o ang sangnilikha ng Diyos.

Kasabay nito, tiniyak ng obispo ang kanyang panalangin para sa katarungan, lakas, at patuloy na pag-iingat kay Bishop Mangalinao habang kinakaharap nito ang mga hamon.

“I stand firmly with Bishop Mangalinao in his courageous stand against mining exploration in Kasibu, Nueva Vizcaya. His advocacy to protect the environment and the rights of local communities reflects true servant leadership and a deep commitment to our common home. We pray for justice, strength, and protection for him as he faces these challenges,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Kamakailan ay kinasuhan si Bishop Mangalinao kasama ang iba pang environmental advocates kaugnay ng kanilang pagtutol sa exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Patuloy namang lumalawak ang suporta ng mga lider ng Simbahang Katolika para sa obispo na naninindigan para sa pangangalaga ng kalikasan at kapakanan ng mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 7,947 total views

 7,947 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,676 total views

 75,676 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 98,828 total views

 98,828 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 168,942 total views

 168,942 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,088 total views

 243,088 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top