Kasong isinampa laban kay Bishop Mangalinao, ipinawalang bisa ng korte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,425 total views

Ipinawalang-bisa ng Kasibu Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan na tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat si Bishop Mangalinao sa naging pasya ng hukuman at sa mga nagpahayag ng suporta at panalangin sa kanilang hanay sa gitna ng kinaharap na legal na usapin.

Ayon sa obispo, ang desisyon ay hindi lamang tagumpay sa larangan ng batas kundi tagumpay rin para sa katotohanan, katarungan, at sama-samang pagkilos ng mga komunidad na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

“We are deeply grateful for your prayers, solidarity, encouragement, and unwavering support throughout this challenging journey. You reminded us that we were never alone,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Nag-ugat ang kaso sa pagtutol ng mga residente, environmental advocates at mga lider ng Simbahan sa mining exploration activities sa Kasibu, Nueva Vizcaya na pinangangambahang magdulot ng banta sa mga watershed, kalikasan at kabuhayan ng mga komunidad.

Nagpasalamat din si Bishop Mangalinao sa mga abogadong nagbigay ng libreng serbisyong legal at tumulong sa pagtatanggol sa kanilang adbokasiya para sa environmental justice at kapakanan ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ng obispo na wala silang hinanakit laban sa sinuman at mananatili silang nakatuon sa mapayapang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit din ni Bishop Mangalinao na ang pagtatanggol sa mga watershed, kalikasan at kabuhayan ng mamamayan ay hindi isang krimen kundi isang moral na pananagutan ng lahat.

“The struggle continues, but today we pause to thank God and all who stood with us our families, communities, Indigenous peoples, Church leaders, friends, supporters, benefactors, environmental advocates, the faithful and every supporter who believed in our cause,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Patuloy namang nananawagan ang obispo ng pagkakaisa para sa pangangalaga sa mga watershed ng Nueva Vizcaya at Quirino para sa buhay, kabuhayan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,381 total views

 9,381 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,110 total views

 77,110 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,262 total views

 100,262 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,377 total views

 170,377 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,428 total views

 244,428 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top