Maging aktibong instrumento ng pagbabago, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,342 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging aktibong instrumento ng pagbabago sa lipunan sa halip na manatiling tagamasid at kritiko lamang ng mga suliraning kinahaharap ng bansa at ng Simbahan.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng kapistahan ng pagsilang ni San Juan Bautista sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila, binigyang-diin ng kardinal ang kahalagahan ng “pangunguna” at “pagpapauna” bilang mahahalagang aral mula sa buhay ng patron ng parokya.

Ayon kay Cardinal Advincula, napapanahon ang halimbawa ni San Juan Bautista lalo na sa gitna ng mga hamon sa lipunan.

“Sa panahon natin ngayon, kailangan din natin ang ganitong uri ng pangunguna. Napakadaling magreklamo at pumuna. Napakadaling maging keyboard warrior sa social media.Napakadaling sabihin na maraming mali sa lipunan, sa pamilya, sa Simbahan, o sa mundo. Ngunit ilan lamang ang kusang handang magsimula ng pagbabago?” tanong ni Cardinal Advincula.

Hinamon din ng arsobispo ang bawat mananampalataya na huwag hintayin ang pagkilos ng iba kundi magkusa sa paggawa ng mabuti at pagtutuwid ng mali.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang tunay na pangunguna ay makikita sa pagpapakumbaba, pag-unawa, pagtulong sa nangangailangan at pagtutuwid ng sarili at kapwa.

“Kung may hidwaan sa pamilya, puwede kang unang magpakumbaba. Kung may pag-aalitan sa komunidad, puwede kang unang umunawa. Kung may nangangailangan ng tulong, puwede ikaw maging unang mag-abot ng kamay. Kung may umiiral na katiwalian sa lipunan, puwede ikaw maging unang magtuwid ng sarili at ng kapwa,” aniya.

Binigyang-diin din ng kardinal na ang pamumunong Kristiyano ay hindi nakabatay sa kapangyarihan o katungkulan kundi sa malasakit at paggawa ng tama.

“Katulad ni San Juan Bautista, tayo rin ay manguna—hindi para sa kapangyarihan kundi para sa malasakit; hindi para sa pagtatamo ng puwesto kundi para sa paggawa ng tama,” dagdag ng arsobispo.

Kasabay nito, nanawagan si Cardinal Advincula na isabuhay ang “pagpapauna” sa kapwa at kay Kristo sa gitna ng kulturang nakatuon sa pansariling pakinabang.

“Sa ating panahon, maraming nag-uunahan para sa kita, para sa puwesto, at para sa pribilehiyo. Ngunit kaunti lamang ang nangunguna sa pakikipagkapwa. Ilan lamang ang nagpapauna sa kapwa?” ayon sa kardinal.

Paalala ng kardinal na ang tunay na paglilingkod ay hindi naghahanap ng kapalit na pagkilala o pakinabang kundi naglalayong ilapit ang kapwa sa Panginoon.

“Ang tunay na naghahanda ng daraanan ng Panginoon ay hindi nagtatanong: ‘May mapapala kaya ako? Kikita kaya ako? Makikilala kaya ako? Mapapahalagahan kaya ako ng iba?’ Sa halip, ang kanyang tanong ay: ‘Paano ko mailalapit ang aking kapwa kay Kristo? Paano ako magiging daan upang mas maramdaman nila ang presensya ni Kristo?’” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, binigyang-diin ng kardinal na ang halimbawa ni San Juan Bautista ay nananatiling mahalagang huwaran para sa mga Kristiyano sa kasalukuyan.

“Pangunguna at pagpapauna, pagkukusa at pagpapaubaya—ito ang mga banal na katangian ni San Juan Bautista. Ito rin ang paanyaya sa ating lahat bilang mga Kristiyano: manguna sa paggawa ng mabuti at sa pagtutuwid ng mali, at magpauna tayo kay Jesus upang masunod ang Kanyang kalooban at makita Siya sa ating buhay,” ayon kay Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,059 total views

 8,059 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,788 total views

 75,788 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 98,940 total views

 98,940 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,054 total views

 169,054 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,191 total views

 243,191 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top