Diocese of Legazpi, naglabas ng statement of support para kay Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,500 total views

Nagpahayag ng panalangin at pakikiisa ang Diyosesis ng Legazpi kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, gayundin sa mga pari, relihiyoso, at mga layko ng Diyosesis ng Bayombong, kasunod ng pagkakasangkot ng Obispo sa kasong sibil kaugnay ng kanyang pastoral na pagsuporta sa mga komunidad na tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Sa inilabas na Statement of Solidarity ng Diyosesis ng Legazpi, binigyang diin nito ang kanilang pakikiisa sa misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita, itaguyod ang dignidad ng bawat tao, at pangalagaan ang sangnilikha na ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan.

“The Diocese of Legazpi expresses its prayerful solidarity with Most Rev. Jose Elmer I. Mangalinao, D.D., and the clergy, religious, and lay faithful of the Diocese of Bayombong following the filing of a civil case related to Bishop Mangalinao’s pastoral accompaniment of communities opposing mining activities in Nueva Vizcaya.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Ayon sa Diyosesis ng Legazpi, bilang mga tagasunod ni Kristo, nananatiling matatag ang Simbahan sa tungkulin nitong maging mabuting katiwala ng kalikasan at maging kaagapay ng mga pamayanang ipinagkakatiwala sa pastoral na pangangalaga nito.

Iginiit din ng diyosesis na ang pananagutang ito na isinabuhay ni St. Francis of Assisi, ay isang paanyaya upang maging mabubuting katiwala ng sangnilikha at mahabaging tagapaglingkod sa kapwa ang bawat isa.

“As disciples of Christ, we remain steadfast in our shared mission to proclaim the Gospel, uphold the dignity of every human person, and faithfully care for our common home, which God has entrusted to us. This responsibility, exemplified by St. Francis of Assisi, calls us to be good stewards of creation and compassionate companions of those entrusted to our pastoral care.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Legazpi.

Kasabay nito, nanawagan din ang Diyosesis ng Legazpi ng panalangin upang manaig ang katotohanan, katarungan, at kapayapaan, at upang ang lahat ng sangkot sa usapin ay magabayan ng karunungan, pagiging makatarungan, at paggalang sa batas.

“We likewise pray that truth, justice, and peace may prevail, and that all those involved may be guided by wisdom, fairness, and respect for the rule of law.” Ayon pa sa Diyosesis ng Legazpi.

Samantala, hiniling din ng diyosesis ang pamamagitan ng Mahal na Ina ng Kaligtasan upang patuloy na palakasin ng Panginoon ang lahat ng naglilingkod para sa kapakanan ng sambayanan at sa pangangalaga ng Kanyang nilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,372 total views

 8,372 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,101 total views

 76,101 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,253 total views

 99,253 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,367 total views

 169,367 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,485 total views

 243,485 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 9,778 total views

 9,778 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top