Archbishop Jumoad, humiling ng panalangin sa ikakatagumpay ng 132-CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,314 total reads

Humiling ng sama-samang panalangin at pagkakaisa si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad para sa ikatatagumpay ng ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gaganapin sa Archdiocese of Ozamiz sa July 3 hanggang 10

Sa panayam ng Radyo Veritas, inamin ng arsobispo na bagama’t malaking karangalan para sa lokal na simbahan ang maging punong abala sa pagtitipon ng mga obispo ng bansa, hindi rin nawawala ang pangamba habang patuloy ang mga paghahanda.

“There is excitement. At the same time, anxious din tayo. May anxiety po tayo kasi hindi ko pa alam kung perpekto ba ang mga preparasyon natin,” pahayag ni Archbishop Jumoad.
Gayunman, sinabi ng arsobispo na nakikita niya ang pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga pari at mananampalataya sa paghahanda para sa mahalagang gawain ng Simbahan.

“Para sa akin, yung isang milagro na nakita ko ay yung cooperation po ng mga pari, mga tao, at marami po silang ginagawa sa simbahan at mga prayers po,” ani ng arsobispo.
Ayon pa kay Archbishop Jumoad, ang sama-samang pagkilos at pananalangin ng buong sambayanan ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa sa kabila ng mga hamon sa paghahanda.

Kasabay ng paghahanda para sa plenary assembly ay ang nalalapit na Episcopal Coronation ng makasaysayang imahen ng Birhen sa Cotta sa July 8, kung saan inaasahang dadaluhan ito ng maraming deboto mula sa iba’t ibang lugar lalo na sa Mindanao.

Ibinahagi ni Archbishop Jumoad ang kahalagahan ng Birhen sa Cotta sa pananampalataya ng mga mamamayan ng Misamis Occidental na mula pa sa Espanya at dumating sa lugar noong 1756.
Dagdag pa ng arsobispo, ang halos tatlong siglong debosyon sa Mahal na Birhen ay naging bahagi na ng pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng lalawigan.

“Ang mga tao dito, ang identity ng mga Misamisnon, yung devotion sa Birhen sa Cotta,” ayon sa arsobispo.
Pangungunahan ng arsobispo ang pagpuputong ng korona, na sasaksihan ng Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, at ng mga obispong kasapi ng CBCP.

Samantala, inaasahan ding darating sa Ozamiz ang pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe na kasalukuyang umiikot sa Pilipinas bilang bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana, isang pandaigdigang programa ng debosyon na naghahanda para sa paggunita sa ikalimang siglo ng aparisyon ng birhen sa taong 2031.

Ayon kay Archbishop Jumoad, mahalagang paalala ito sa mga mananampalataya na patuloy na lumapit sa Mahal na Birheng Maria upang higit pang mapalapit sa Hesukristo.
“Our redeemer, our salvation is only in Jesus,” giit ng arsobispo.
Hinimok ni Archbishop Jumoad ang buong Simbahang Katolika sa Pilipinas na makiisa sa pananalangin para sa mabunga at matagumpay na plenary assembly.

“Ako po ay nananawagan na sana po hindi lang ang taga-Misamis Occidental ang mag-pray para sa fruitful and successful 132nd Plenary Assembly,” ayon sa arsobispo.
Binigyang-diin niya na ang kapayapaan, pagkakaunawaan at pagtutulungan ay mahahalagang bunga ng pananalangin at pagkakaisa.

“We have to pray, and we ask you to really give us peace, to give us the miracle of coming together, working together, and of understanding one another. Because it is only when we work together and pray that we will achieve our goal,” saad pa ni Archbishop Jumoad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,646 total reads

 113,646 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 146,976 total reads

 146,976 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,120 total reads

 179,120 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,182 total reads

 245,182 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,146 total reads

 257,146 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top