Mananampalataya, hinimok ng arsobispo ng Cebu na makiisa sa White Ribbon movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,692 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na makiisa sa White Ribbon Movement bilang pagpapahayag ng pananampalatayang nakaugat sa katotohanan, pananagutan, katarungan, at matuwid na pamamahala.

Sa inilabas na pastoral appeal, inanyayahan ng arsobispo ang lahat ng mga mananampalataya sa arkidiyosesis na magsuot ng puting damit o maglagay ng puting laso sa pagdalo sa mga banal na misa sa June 28 bilang pakikiisa sa White Ribbon Movement March na inorganisa ng iba’t ibang religious groups at inendorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Archbishop Uy, ang puting laso ay hindi lamang simbolo ng pagkakaisa kundi isa ring panawagan sa pananagutan.

“The white ribbon symbolizes our hope for a nation free from corruption and dishonesty,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang kampanya ay nagsusulong ng pananagutan ng mga lingkod-bayan at wastong pangangasiwa sa pondo ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan.

“It expresses our call for accountability from those entrusted with public office, the responsible stewardship of public resources, and the pursuit of truth and justice for the common good,” pahayag ni Archbishop Uy.

Paalala ng arsobispo na hindi lamang mga institusyon ang dapat magbago, kundi ang bawat mamamayan ay inaanyayahang aktibong makilahok sa mga reporma sa lipunan na sisimulan sa sarili.
“At the same time, it reminds us that genuine reform begins not only in our institutions but also in our own hearts,” aniya.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga pamilya, paaralan, tanggapan, negosyo, at iba pang institusyon na maglagay ng puting laso sa kanilang mga tahanan, sasakyan, gusali, at mga opisina bilang pagpapakita ng suporta sa pagsusulong ng integridad, transparency, at mabuting pamamahala.

Apela rin ng arsobispo ang patuloy na paninindigan para sa katotohanan, kahit matapos ang nakatakdang pagkilos sa June 28.

“Beyond June 28, let us continue to exercise critical discernment, seek the truth, reject misinformation, resist every form of corruption, and hold ourselves and our leaders accountable,” saad ni Archbishop Uy.

Dagdag pa ng pastol, bilang mga Kristiyano at responsableng mamamayan, tungkulin ng bawat isa na maging saksi sa katapatan, katarungan at integridad sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Umaasa rin ang arsobispo na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin at pagkilos ay mapalalakas ang hangarin ng mamamayan para sa isang bansang pinaghaharian ng katotohanan at katarungan.

“Let us also pray fervently that God may purify our hearts and renew our nation in truth, justice, and love,” pagtatapos ni Archbishop Uy.

Kabilang sa mga manguna sa pagkilos ang Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) kung saan inaasahan ang pagbubuklod ng 50 na organisasyon para sa panawagang wakasan ang mga kaguluhan, kawalang-katarungan, at katiwaliang nagaganap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,693 total views

 9,693 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,422 total views

 77,422 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,574 total views

 100,574 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,689 total views

 170,689 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,719 total views

 244,719 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top